Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa buong Kabacan, para sa Undas, tiniyak ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ November 1, 2013) ---Nakalatag na ang seguridad ng Kabacan PNP para sa gugunitaang Undas 2013.

Ito ang tiniyak kahapon sa DXVL News ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP kasabay ng ikakasa nilang Oplan Kaluluwa dos mil trese simula bukas hanggang sa Nobyembre a-dos.

Sinabi ng opisyal na may mga augmentation na rin ang PNP mula sa Barangay Peace Keeping Action Team na magbabantay sa paligid ng mga sementeryo ng Kabacan kasama na rin dito ang traffic direction at may itatayo rin silang HELP Desk o Public Assistance Desk.

Bukod dito, ipapakalat din ngayong araw ang elemento ng pulisya sa mga matataong lugar kasama na dito ang pampublikong pamilihan, terminal kungsaan dagsa ang mga bakasyunista na magsisiuwian simula pa kahapon.

Kaugnay nito, wala namang malalaking insedente ang naitala sa blotter log book ng Kabacan PNP kahapon, maliban na lamang sa ilang mga pity crimes.

Patuloy naman ang ginagawang anti-crime and security operation sa mga pangunahing lugar at kalye ng Kabacan.


Pinayuhan naman ng mga otoridad ang publiko na, wag iwanan na walang tao ang bahay sa tuwing dadalaw sa mga sementeryo, pero kung di maiwasan ay dapat na naka-kandado ng maayos ang inyung mga bahay para di malusutan ng mga magnanakaw. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento