(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 2,
2013) ---Inanunsiyu ngayon ng University of Southern Mindanao (USM) Board of
Regents na bakante na ang posisyon sa pagka-Pangulo ng Pamantasan.
Ito ang kinumpirma ni OIC Christopher
Cabilen kasabay na rin ng kanilang paglathala sa nasabing anunsiyo sa
pahayagang Manila Bulletin na lumabas na isyu noong October 25, 2013 at ang
pagpublish kahapon (November 1) at November 8, 2013.
Sa hiwalay na panayam kay USM-Alumni
Association Pres. Dr. Cedric Mantawil kabilang sa mga minimum qualifications na
binalangkas ng BOR at batay na rin sa itinakda ng charter ng Republic Act 8292
na dapat hindi bababa sa edad na 35-anyos hanggang 61-taong gulang, walang
kinakaharap na kaso at dapat ay doctoral degree sa isang kilalang eskwelahan.
Kaugnay nito, sa isinagawang BOR Meeting
noong Hulyo sa Davao City at nitong Oktubre, nagpalabas ang BOR ng inisyal na
pondo para sa Search Committee ng P600,000.00, ayon kay Dr. Mantawil.
Ayon kay Dr. Mantawil, Lima ang bumubuo ng
Search Committee kungsaan chairperson dito ang dating Presidente ng University
of the Philippines na di binanggit ang pangalan.
Kabilang din sa bubuo sa Committee ay ang respresentante
mula sa CHED, sa katauhan ni Dr. Roman habang dalawa naman mula sa Private
sector, isa dito mula sa Notre Dame University kapwa inindorse nina Atty.
Hamlet Pahm at Bing Tuburan.
Samantala, pinaghalo naman ang academic
community mula sa Alumni at estudyante sa katauhan ni Dr. Lope Dapun, matapos
na mag-withdraw bilang kasapi ng Search committee si Dr. Consuela Tagaro,
makaraang tumakbo ito nilang USMAA President at nanalo.
Sinabi ni Dr. Mantawil na posibleng sa
huling bahagi ng 2014 ay mailuklok na ang bagong Presidente ng Pamantasan ng
Katimugang Mindanao.
Samantala, hanggang alas 6:00 ng gabi sa
November 28, 2013 ang deadline ng submission.
Para sa karagdagang impormasyon at
katanungan, bisitahin ang website ng University of Southern Mindanao sa
www.usm.edu.ph. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento