Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

56 nadale sa Dengue sa sRehiyon 12

(Koronadal City/ South Cotabato/ October 30, 2013) ---Abot sa 56 na ang nadale habang 11, 020 na ang nagkakasakit ng dengue sa buong Rehiyon - 12 mula noong Enero 1 hanggang ngayon.

Ito ang napag-alaman mula kay DOH 12 Health Education and Promotion Officer Jenny Ventura na mas mataas 233 porsyento ang nasabing kaso kung ihahambing sa kagayang period noong nakaraang taon.


Batay sa datos ng DOH 12 ng Center for Health Development ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit nangunguna parin ang lalawigan ng North Cotabato kung saan umakyat sa 27 porsyento ang kabuuang kaso ng dengue na naitala; 24 porsyento naman sa 11,020 ang kaso mula sa South Cotabato at General Santos City.

Sa bilang naman ng mga namatay, nasa 21 ang namatay sa General Santos City mula sa 15 noong nakaraang taon.

Nasa 13 naman ang patay sa Cotabato Province, apat sa Sarangani at walo sa South Cotabato.

Nababahala na rin ang Kagawaran ng Kalusugan sa tumataas na bilang ng mga nadadale sa sakit ng dengue bagay namang umaapela ang ahensiya sa Pamahalaang Lokal at publiko na tumulong sa pagpuksa ng mga lamok na nagdadala ng dengue sa pamamagitan ng paglinis sa paligid. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento