Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

42-anyos na Mister, tiklo sa pagdadala ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2015) ---Arestado ang isang 42-anyos na mister makaraang mahulihan ng illegal na droga sa bahagi ng Lapu-lapu St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 5:45 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, OIC hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Nabel Maohan Ganatan, residente ng Qurino St., Poblacion ng bayang ito.

Katiwala ng Lodging House, binoga!

(North Cotabato/ May 1, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang 42-anyos na care taker ng lodging house makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Bonifacio St., Cotabato city alas pasado alas 10:00 kagabi.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Pitong “Thong” Ayunan, may asawa at care taker ng Nathaniel Lodging House na matatagpuan sa bahagi ng Bonifacio Street ng lungsod.

Tulong sa mga apektadong magsasaka dulot ng Drought Season sa bayan ng Kabacan, hindi pa naiibigay

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2015) ---Nakahanda na ang pondong nakalaan para sa mga magsasakang naapektuhan sa nakaraang drought season sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Kabacan Municipal Agriculturist Sassong Pakkal sa kanyang pahayag sa isinagawang SB Session kahapon, naantala umano ang pamimigay ng mga ito bunsod na rin sa patuloy pa ring nararanasang init ng panahon sa bayan nitong mga nakaraang araw.

P2.8M iniwang danyos sa agrikultura sa 4 na Brgy. sa Kidapawan sa pananalasa ng Ipo ipo

By: Christine Limos

(Kidapawan City/ May 1, 2015) ---Sumampa na ngayon sa halos P2.8 Milyong piso ang iniwang danyos sa agrikultura ng manalasa ang Ipo ipo noong Abril 27 sa 4 na barangay sa Kidapawan City.

Ito ay ayon kay Kidapawan City CDRRMC head Psalmer Bernalte sa panayam ng DXVL news.

20K bakanteng trabaho sa Rehiyon 12, binuksan ngayong araw kasabay ng Labor day

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2015) ---Mahigit 20 hanggang 30 libong bakanteng trabaho sa jobs fair sa Region 12 ayon sa Department of Labor and Employment Region 12. 

Sa  panayam ng DXVL news inihayag ni DOLE 12 Regional Director Ofelia Domingo na ngayong araw Labor Day ay may jobs fair at one stop shop processing sa 2 venue sa SM mall sa General Santos city at KCC mall sa lungsod ng Koronadal.

Dagdag pa ng kawani na ang tema ngayong taon ay:  "Disenteng Trabaho at Kabuhayan sa ating Bayan"  kung kaya’t parehong wage employment at self employment ang kanilang pino-promote para sa mga estudyante, graduates at mga walang trabaho na naghahanap ng trabaho.

5th Summer Peace Kids Camp sa Matalam, Cotabato nagsimula na, seguridad, inilatag na ng Matalam PNP

By: Christine Limos

(Matalam, North Cotabato/ May 1, 2015) ---Pormal ng nagsimula ang 5th Gov. Lala Summer Peace Kids Camp kahapon sa Matalam Central Elementary School sa bayan ng Matalam, North Cotabato.  

Ito ay ayon kay Matalam PNP Operation head SPO1 Froilan Gravidez sa panayam ng DXVL news. 

Aniya, ang Summer Peace Kids Camp ay nilahukan ng mga mag aaral sa grade 5 na mula pa sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Matalam at magtatapos ang aktibidad sa Mayo a-3.

Walang extension ng enrollment sa mga 1st year students ng USM, klase magsisimula sa Hunyo a-3 ---USM VPAA

By: Christine Limos

(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2015) ---Walang extension ng enrollment sa mga 1st year students ng University of Southern Mindanao.

Ito ayon kay Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig U. Ampang sa panayam ng DXVL news.

Aniya, hindi umano magbibigay ng palugit na extension ang unibersidad upang hindi rin maantala ang pagsisimula ng klase.

Libreng check-up sa RHU Kabacan, ilalarga!

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotbato/ May 1, 2015) ---Lusot na sa 3rd and final reading ang panukalang batas na gawing libre ang konsultasyon ng lahat ng mga mamamayan ng Kabacan sa Rural Health Center ng bayan sa isinagawang SB session kahapon.

Ayon kay SB member Hon. Councilor Rhosman Mamaluba na siyang may akda sa nasabing ordinansa, magiging ganap na batas ang nasabing ordinansa sampung araw matapos ang kanilang isinagawang regular na session kahapon.

3 sugatan sa pagsabog ng Granada sa isang tindahan sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Tatlo ang naiulat na sugatan makaraang sumabog sa isang sari-sari store at videoke house ang granada na inihagis ng mga di pa nakilalang suspek sa Sitio Balisawan, brgy. Tomado, Aleosan, North Cotabato pasado alas 7:30 ngayong gabi.

Ayon kay PSI Arnel Melocotones, hepe ng Aleosan PNP kinilala nito ang mga nasugatan na sina Leo Calibayan Jr. 34- anyos, nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng leeg, Cella

Motocross, itinampok sa 66th Founding Anniversary sa isang Brgy. ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

FB: Mish Cardona
(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Nagdiriwang ng ika 66 na taong pagkakatatag ang Brgy. Bangilan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato ngayong araw.

Ayon kay Kabacan Municipal Administrator Ben Guzman sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang nasabing programa noong Abril a-25 na magtatapos sa Foundation Day Program ngayong araw.


Anya, inaasahang dadalo sa nasabing aktibidad si North Cotabato Governor Lala Taliño Mendoza at Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.

Free Lawn Tennis Summer Sports Clinic ng LGU Kabacan, magtatapos sa Mayo a-1, 2015

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Magtatapos na ang halos isang buwan na Free Lawn Tennis Summer Sports Clinic na programa ng LGU Kabacan ngayong darating na Mayo a-1 taong 2015.

Ayon kay Kabacan Municipal Administrator Ben Guzman sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang programa noong Abril a-6.

Walang schedule ng preventive maintenance na gagawin sa May 3 sa laban ni Pacquiao ---NGCP

By: Christine Limos

Wala umanong schedule ng preventive maintenance na gagawin ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa darating na Mayo a-3 sa laban ni Manny Pacquiao.

Ito ang sinabi sa DXVL News niNGCP Operation Communication and Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance “Bambie” Capulong.


Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Capulong na nakikipag ugnayan ang lahat ng sektor ng energy industry sa generation distribution sector maging sa Department of Energy at sa

North Cotabato Provincial government, suportado ang BBL ---ayon sa isang lokal na mambabatas

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Patuloy na sumusuporta sa Bangsamoro Basic Law o BBL ang probinsya ng North Cotabato sa pangunguna ni North Cotabato Governor Lala Taliño Mendoza.

Ito ayon kay 1st District Board Member Kelly Antao.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Antao na sumusuporta sa usaping pangkapayapaan ang probinsya at nagkakaisa ang mga lider na hikayatin ang mga kinauukulan lalo na ang mga senador na buksan ang isipan at puso na bigyang pansin ang BBL dahil umabot na umano sa halos labing walong taon ang usaping ito.

Bayan ng Matalam under state of calamity na!

By: Rhoderick Beñez

(Matalam, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Abot sa 1,731 na mga magsasaka ang apektado ng nagdaang tagtuyot sa bayan ng Matalam, North Cotabato matapos na ideneklara kahapon ang bayan under state of calamity.

Sa datos na ibinahagi ngayong hapon sa DXVL News ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Engr. Marlyn Samson na abot sa 18 mga barangay ang naapektuhan dito.

Binata, kisay sa kuryente sa sapa ng Matalam, North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Matalam, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Patay ang isang binatilyo matapos na makuryente sa nilusong na sapa sa Brgy. Kabulacan sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 10:00 ng umaga nitong Martes.

Ayon kay Cotabato Electric Cooperative Inc. Spokesperson Vincent Baguio sa panayam ng DXVL News, bagamat hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima, nasa edad 20-25 ang nasabing binate.

OPPAP: BBL, ipapasa na sa Hunyo 11 ---ayon sa LMT North Cotabato

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Kinumpirma ni Local Monitoring Team Jabib Guibar na tiyak ng maipapasa  ang Bangsamoro Basic Law o BBL sa Hunyo 11 ng taong kasalukuyan.

Ginawa ni Guiabar ang pahayag matapos isinagawa ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP assembly kahapon sa Baranggay Aringay  dito sa bayan ng Kabacan.

Total Black out sa buong Mindanao noong Abril a-5, ipinaliwanag ng NGCP

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2015) ---Ipinaliwanag ng NGCP ang naging resulta sa kanilang isinagawang imbestigasyon patungkol sa nangyaring total block-out sa buong isla ng Mindanao noong Abril a-5 sa taong kasalukyan.

Ayon kay NGCP Communication for Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance Bambie Capulong sa panayam ng DXVL News.

BIFF, kinumpirma na may koneksiyon sila sa ISIS

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2015) ---Kinumpirma ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang koneksyon nila sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Sa panayam ng DXVL News sinabi ni BIFF Spokesperson Abu Misry Mama na ang lahat ng sumusunod sa Islamic Law na tulad ng ISIS at BIFF ay nagtuturingang magkakapatid.

Gayunman, itinanggi ni Mama ang napaulat na presensya ng ISIS sa Mindanao.

Sewing machines and materials, nakatakdang iturn-over sa mga Women’s Organizations sa 4 na barangay sa Bayan ng kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2015) ---Nakatakdang iturn-over sa 8 mga Womens Organization ang 8 mga makinarya at mga materyales sa pagtatahi sa 4 na brgy sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Kabacan LGU Information Officer Sarah Jane Guerrero sa panayam ng DXVL News, ang mga 8 mga Womens Organization ay nagmumula sa mga Brgy. ng Kayaga, Kuyapon, Pisan at Kilagasan.

Isnatser, kalaboso sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2015) ---Huli sa isinagawang hot pursuit operation ang isang lalaki matapos itong magnakaw sa Terminal Complex Brgy. Kayaga sa bayan ng Kabacan dakung ala 1:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero na mismong nanguna sa pagaresto, kinilala nito ang suspek na isang Dao Lapadsing, 23 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao.

Mister, pinabulagta ng riding tandem sa Kidapawan City

By: Mark Anthony Pispis

(Kidapawan City/ April 29, 2015) ---Patay ang isang mister makaraang pagbabarilin ng riding tandem assassins sa kahabaan ng National High Way sa Purok 6-B, Brgy. Lanao Kidapawan City dakong alas 2:45 kahapon ng hapon.

Ayon kay P/Supt Franklin Anito, City PNP Director kinilala nito ang biktima na isang NHORUDIN KAMBANG, tinatayang nasa 35- 40 ang edad, may asawa, walang trabaho at residente ng  Brgy. Dungu-an Pagalungan sa lalawigan ng Maguindanao.

P110M, danyos sa dry spell sa Makilala, North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Makilala, North Cotabato/ April 29, 2015) ---Isinailalim na rin sa State of Calamity ang bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato dahil sa epekto ng tagtuyot sa bayan noong nakaraang linggo.

Ito ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan sa panayam ng DXVL News.

Anya, umabot na P110M ang naitalang danyos na iniwan ng dry spell.

Libu-libung mga miyembro ng MILF, nagsagawa ng ‘walk for peace’ bilang panawagan sa pag apruba ng BBL

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 28, 2015) ---Libu-libung mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang nagsagawa ng parada sa bayan ng Kabacan upang ipanawagan ang kanilang suporta sa Bangsamoro Basic Law o BBL alas 7:30 kagabi.

Sa impormasyong nakalap ng DXVL News Team, natapos ang nasabing parada dakong alas 8:45 ng gabi.

Bahay ng katiwala sa Midsayap, pinasabugan!

By: Rhoderick Beñez

(Midsayap, North Cotabato/ April 28, 2015) ---Pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga suspek ang isang bahay sa bahagi ng Brgy. Ulandang, Midsayap, North Cotabato alas 8:10 kagabi.

Batay sa ulat, wala namang may nasaktan o nasawi sa nasabing pagpapasabog sa bahay ng isang Alex Mamasatuka, katiwala ni Major Sandigan ng 6ID, PA.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang rifle grenade propeller.

Van vs Van: 2 dedo, 12 sugatan

(North Cotabato/ April 28, 2015)  ---Patay ang dalawa katao habang 12 iba pa ang sugatan makaraang masangkot sa panibagong vehicular accident sa National Highway sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato alas 3:00 ng hapon kahapon.

Sa ginawang imbestigasyon ni PO2 Harjen Pirasol ng Polomolok PNP, kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Pedro Herman, 58-anyos at si Jimmy Herman, nasa wastong gulang.

2 heavy equipment, sinunog ng NPA rebels

(North Cotabato/ April 28, 2015) --- Extortion ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga otoridad sa panibagong insidente ng panununog sa dalawang heavy equipment ng isang construction firm sa Barangay Poblacion, Makilala, North Cotabato, dakong alas 8:00 kagabi.

Sa ulat ng Makilala PNP sinalakay ng mga armadong kalalakihan ang isang bunk house ng Neova-Shera Subdivision at dinis-armahan ang mga guwardiya at tinangay ang mga armas ng mga ito.

Clan war: 6 patay, 9 sugatan

(Lanao Del Sur/ April 28, 2015) ---Anim na ang kumpirmadong patay sa madugong magkasunod na rido o clan war sa bayan ng Wao, Lanao Del Sur.

Sinasabing nagsimulang sumiklab ang clan war makaraang pagpapatayin ng ‘di-pa kilalang kalalakihan ang dalawang menor-de-edad noong Biyernes ng hapon, ayon sa hepe ng Wao PNP na si P/Chief Inspector Ericson Banaga.

Rescue Operation kontra sa dinukot na dalagita sa Maguindanao, nagpapatuloy

(Maguindanao/ April 28, 2015) ---Hanggang ngayon ay hindi pa rin natunton ng mga otoridad ang kinalalagyan ng dalagita na dinukot sa Buluan, Maguindanao.

Ayon kay Buluan Chief of Police, S/Insp. Alonto Arobinto, naganap ang pagdukot noong April 1 ngunit ngayon lamang inilabas sa publiko.

Carnapper, arestado ng Matalam PNP

By: Mark Anthony Pispis

(Matalam, North Cotabato/ April 28, 2015) ---Naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal sa Matalam PNP lock up cell ang isang binata matapos itong masakote dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Poblacion Matalam Cotabato alas 8:00 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO4 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, kinilala nito ang suspek na isang Michael Castillo, 18, walang trabaho at residente ng Brgy. San Fernando sa Lungsod ng Bislig sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Lalaki, sugatan makaraang saksakin ng Pinsan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 28, 2015) ---Sugatan ang isang lalaki makaraang saksakin ng mismong pinsan nito sa Bonifacio st., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:30 kagabi.

Sa panayam ngayong umaga kay PSI Ronnie Cordero, ang OIC chief of Police ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Edgardo Castillo Kiblaw habang ang suspek ay kinilala namang si Arnel Castillo kapwa residente ng nasabing lugar.

Ilang mga lugar sa Mlang, NCot nawalan ng Supply ng Kuryente matapos na manalasa ang Ipo-ipo

(Mlang, North Cotabato/ April 27, 2015) ---Nakaranas ng pagkawala ng supply ng kuryente ang ilang bahagi sa bayan ng Mlang, North Cotabato matapos na manalasa ang ipo-ipo sa isang barangay sa nasabing bayan.

Batay sa ulat, nabuwal ang mga puno at ilang poste ng kuryente sa pananalasa ng ipo-ipo sa Purok 3, Barangay Sangat alas 3:00 kahapon ng hapon.

Mga Pro-BBL, nagsagawa ng Mass Rally sa Provincial Capitol ng Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ April 27, 2015) ---Libu-libong mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang nagsagawa ng Pro-BBL Rally sa harap ng Cotabato Provincial Capitol sa Brgy. Amas, Kidapawan city nitong Sabado.

Ayon kay P/SSupt. Danilo Peralta, ang Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office na kanyang kinausap ang mga leaders ng grupo na magsagawa sana ng mass action na walang permit kaya napagkasunduan ng mga ito na umalis na lamang.

Pambobomba ng BIFF sa tulay, silat

(Maguindanao/ April 26, 2015) ---Nasilat ng tropa ng militar ang tangkang pambobomba ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kasunod ng pagkakarekober sa isang bomba sa tulay ng Brgy. Meta, Datu Unsay, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Captain Jo-ann Petinglay, Spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division (ID) dakong alas-11 ng tanghali ng marekober ang bomba.

Tribung Kalivungan ng Cot 5th runner up naman sa Aliwan Dance Parance competition

Photo: Ralph Ryan Rafael
(North Cotabato/ April 26, 2015) ---Nakuha ng “Tribung Kalivungan” ng Midsayap Dilangalen National High School, Midsayap, Cotabato ang 5th Runner-Up ng Aliwan Festival 2015 Dance Parade na pinaglabanan ng 17 mga contingents mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kampeon naman ang Manaragat Festival ng Catbalogan City sa Dance Parade at naiuwi nito ang premyong P1M bilang pinakamahusay na street dancers sa naturang patimpalak.

Pambato ng Midsayap kinoronahan bilang Reyna ng Aliwan 2015

Jimmy Sta. Cruz

Kidapawan City (Apr 26) – Nagwagi bilang Reyna ng Aliwan 2015 ang pambato ng Cotabato Province na si Stephanie Joy Abellanida sa katatapos lamang na Aliwan Festival 2015 sa Aliw Theatre, Star City Complex, Pasay City, kahapon, April 25, 2015.

Tinalo ni Abellanida ang 20 iba pang naggagandahang dilag mula sa iba’t-ibang lalawigan at tumanggap ng halagang P100,000 bilang gantimpala.

Bitbit ng dalaga ang Halad Festival ng Midsayap na ginaganap sa Enero ng bawat taon.

Naging 2nd Runner Up ng Search for the Mutya ng Cotabato 2014 Centennial Queen si Abellanida bago ito sumabak at nagwagi sa Reyna ng Aliwan 2015. 

Punong guro sa Maguindanao, pinabulagta!

(Maguindanao/ April 26, 2015) ---Patay ang isang school principal makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa harap ng kanyang tahanan sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao alas 6:40 kagabi.

Sa impormasyong nakarating kay Maguindanao PNP Provincial Director S/Supt. Nickson Muksan kinilala ang biktima na si Tinto Tilas, principal ng Olandang National High School sa Brgy. Olandang Midsayap, North Cotabato.