By: Christine
Limos
(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 1,
2015) ---Walang extension ng enrollment sa mga 1st year students ng University
of Southern Mindanao.
Ito ayon kay Vice President for Academic
Affairs Dr. Palasig U. Ampang sa panayam ng DXVL news.
Aniya, hindi umano magbibigay ng
palugit na extension ang unibersidad upang hindi rin maantala ang pagsisimula
ng klase.
Dagdag pa niya na kapag nagbigay ng
palugit ay maaaring mag kompiyansa ang mga estudyante at hindi kaagad magpa
enroll para sa taong 2015-2016.
Ipinaliwanag din ng opisyal na isa
rin sa dahilan ng di pagkakaroon ng extension ay upang mas maagang malaman kung
ilan ang kabuuan ng mga estudyante para sa 1st semester. Ayon kay Dr. Ampang 3392 ang bilang ng
estudyante na nagpa register, 2396 naman ang bilang ng nakapagpa-enrol na at
may 996 pang estudyanteng hindi officially enrolled.
Inihayag din ni VPAA Ampang na sa
susunod na linggo ay magsisimula na ang enrollment sa higher years mula 2nd
year hanggang 6th year at magtatapos hanggang May 15 lamang.
Samantala, sa ikatlong linggo ay mag
i-entertain na umano sila ng mga guro na aplikante upang mapunan ang kulang na
faculty. Inihayag din ni Ampang na sa Hunyo 1 ay ang orientation para sa mga
freshmen students at Hunyo 3 magsisimula ang klase sa USM.
Nanawagan din si Dr. Ampang sa mga
estudyante na gustong mag avail ng scholarship grants na pumunta sa Office of
Students Affairs o OSA at makipag ugnayan kay OSA Director Dr. Nicholas Turnos.
Nagbigay din si Ampang ng mensahe para sa mga freshmen at transferees.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento