By: Christine
Limos
Wala umanong schedule ng preventive
maintenance na gagawin ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP
sa darating na Mayo a-3 sa laban ni Manny Pacquiao.
Ito ang sinabi sa DXVL News niNGCP Operation
Communication and Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance “Bambie”
Capulong.
Sa panayam ng DXVL news inihayag ni
Capulong na nakikipag ugnayan ang lahat ng sektor ng energy industry sa
generation distribution sector maging sa Department of Energy at sa
pamahalaan upang walang mangyaring brown out sa darating na Linggo.
pamahalaan upang walang mangyaring brown out sa darating na Linggo.
Dagdag pa niya na lahat naman umano
ng Pinoy ay nasasabik na mapanood ang laban ni Pacquiao at ni Mayweather.
Aniya, ang NGCP umano ay committed sa
pagbibigay ng ligtas, reliable at tuloy tuloy na supply ng kuryente sa mga
konsumidores upang hindi magkaroon ng matagalang brown out kahit summer season.
Nagbigay din ng paalala ang kawani sa
mga mamamayan na mag ingat sa mga tower ng kuryente dahil sobrang mapanganib
ang mga ito.
Samantala, inihayag naman ng pamunuan
ng University of Southern Mindanao, na mapapanood naman sa isang wide screen sa
USM gym ang laban ni Manny Pacquiao sa Mayo a-3. Maging ang LGU Kabacan ay
nagpahayag din na magkakaroon din sila ng libreng viewing sa laban ni Manny
Pacquiao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento