Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P2.8M iniwang danyos sa agrikultura sa 4 na Brgy. sa Kidapawan sa pananalasa ng Ipo ipo

By: Christine Limos

(Kidapawan City/ May 1, 2015) ---Sumampa na ngayon sa halos P2.8 Milyong piso ang iniwang danyos sa agrikultura ng manalasa ang Ipo ipo noong Abril 27 sa 4 na barangay sa Kidapawan City.

Ito ay ayon kay Kidapawan City CDRRMC head Psalmer Bernalte sa panayam ng DXVL news.


Aniya, sa 2.8 milyong pisong danyos, 2.3 milyon nito ay sa mga saging at ang iba ay sa mga puno ng niyog at iba pang pananim. Partikular umanong naging biktima ng ipo ipo ay ang baranggay Manongol, Indangan, Perez at Meohao.

Dagdag pa ng opisyal na 6 na bahay ang nasira, nasira din ang opisina ng BPAT ng baranggay council ng Manungol pati na rin ang kanilang talipapa.

May mga puno rin ng niyog na nabunot at saging, pati na rin kawayan at may mga poste rin ng kuryente na natumba.  Samantala, nagpapasalamat si Bernalte na walang casualties sa naturang pangyayari.

Inihayag din ng opisyal na sa nagbigay na sila ng assistance bilang pagtulong sa pag aalis ng mga puno na natumba at paglilinis ng area.

Aniya, nag meeting din umano kaagad ang mga baranggay council upang maideklara na under state of calamity ang kanilang baranggay at magamit ang kanilang pondo sa disaster.

Marami umanong farms ang huminto ng operation dahil sa tagtuyot at maraming laborer ang naapektuhan nito. Ipinaliwanag din ng opisyal na magkakaroon ng disaster meeting sa May 4 ang CDRRMC upang ideklara sa susunod na linggo na under state of calamity ang Kidapawan City dahil sa dry spell. Kasali din umano sa tatanggap ng assistance ang mga biktima ng ipo ipo.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento