Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libreng check-up sa RHU Kabacan, ilalarga!

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotbato/ May 1, 2015) ---Lusot na sa 3rd and final reading ang panukalang batas na gawing libre ang konsultasyon ng lahat ng mga mamamayan ng Kabacan sa Rural Health Center ng bayan sa isinagawang SB session kahapon.

Ayon kay SB member Hon. Councilor Rhosman Mamaluba na siyang may akda sa nasabing ordinansa, magiging ganap na batas ang nasabing ordinansa sampung araw matapos ang kanilang isinagawang regular na session kahapon.


Anya, malaking tulong umano ang nasabing panukala lalo na sa mga kababayang gusto nang magpatingin at magpakonsulta dahil sa nararamdaman ngunit talagang walang wala.

Nasa P40 umano ang binabayaran ng bawat Kabaceño sa bawat check-up sa RHU.

Dagdag pa ng opisyal, isa ito sa mga hakbang ng SB katuwang ang RHU sa pakikipagtulungan ng LGU Kabacan sa pagbibigay ng maganda, maayos at mas kayang serbisyo medical na ibinigay ng  mga ito sa mga mamamayan sa bayan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento