Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga lugar sa Mlang, NCot nawalan ng Supply ng Kuryente matapos na manalasa ang Ipo-ipo

(Mlang, North Cotabato/ April 27, 2015) ---Nakaranas ng pagkawala ng supply ng kuryente ang ilang bahagi sa bayan ng Mlang, North Cotabato matapos na manalasa ang ipo-ipo sa isang barangay sa nasabing bayan.

Batay sa ulat, nabuwal ang mga puno at ilang poste ng kuryente sa pananalasa ng ipo-ipo sa Purok 3, Barangay Sangat alas 3:00 kahapon ng hapon.


Ito dahil sa naputol ang main line ng kuryente sa lugar dahilan din ng brownout.

May ilang sasakyan na tinamaan ng naputol na mga sanga ng kahoy subalit walang bahay na naapektuhan.

Ito na ang ikalawang beses na tinamaan ng ipo-ipo ang bayan ng M'lang.
Noong Abril 5 tinamaan ng ipo-ipo ang Barangay Poblacion at Buayan na nagdulot ng mahigit P2 milyon na danyos. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento