Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5th Summer Peace Kids Camp sa Matalam, Cotabato nagsimula na, seguridad, inilatag na ng Matalam PNP

By: Christine Limos

(Matalam, North Cotabato/ May 1, 2015) ---Pormal ng nagsimula ang 5th Gov. Lala Summer Peace Kids Camp kahapon sa Matalam Central Elementary School sa bayan ng Matalam, North Cotabato.  

Ito ay ayon kay Matalam PNP Operation head SPO1 Froilan Gravidez sa panayam ng DXVL news. 

Aniya, ang Summer Peace Kids Camp ay nilahukan ng mga mag aaral sa grade 5 na mula pa sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Matalam at magtatapos ang aktibidad sa Mayo a-3.


Abot umano sa 2 libong estudyante ang partisipante kung kaya’t bago pa magsimula ang summer kids camp ay nakapaglatag na ng security plan ang Matalam PNP sa pangunguna ni Matalam PNP COP PCI Elias Diosma Colonia. 

Dagdag pa niya na naglagay ng police assistance center ang Matalam PNP sa mismong loob ng Matalam Central Elementary School upang tumanggap ng anumang reklamo at matugunan ang anumang pangyayari upang mabigyan kaagad ng police assistance.

Kasama din umano sa naturang aktibidad ang Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Lala Taliño Mendoza, LGU Matalam sa pangunguna ni Mayor Oscar M. Valdevieso, Office of the Provincial Agriculturist na nag sponsor sa pangunguna ni Engr.Eliseo Mangliwan, DepEd, Schools Division Superintendent Sir Omar Obas at mga BPAT members bilang katuwang ng kapulisan sa pagsasa ayos ng seguridad upang  masagawa ng matagumpay ang 3 araw na aktibidad.


Samantala, dahil umano sa suporta ng mamamayan ng Matalam ay nagkaroon ang PNP Matalam ng accomplishments sa illegal na droga, illegal gambling, naka aresto ng pinaka top 5 na most wanted sa illegal drugs at nakapag aresto ng pinaghihinalaang karnaper at naiturn over sa may ari ang motorsiklo. Nagbigay din ng mensahe si SPO1 Gravidez para sa mga mamamayan ng Matalam.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento