By:
Mark Anthony Pispis
(Makilala, North Cotabato/ April 29,
2015) ---Isinailalim na rin sa State of Calamity ang bayan ng Makilala sa
lalawigan ng North Cotabato dahil sa epekto ng tagtuyot sa bayan noong
nakaraang linggo.
Ito ayon kay Makilala Mayor Rudy
Caoagdan sa panayam ng DXVL News.
Anya, umabot na P110M ang naitalang
danyos na iniwan ng dry spell.
Kasama sa mga agricultural crops na
napinsala ay ang saging, palay, mais, gulay at pati na rin ang rubber ay
naapektuhan din.
Sa ngayon ay gagamitin ang pondo mula
sa Calamity Fund ng bayan upang mabigyan ng ayuda ang mga naapektuhang mga
magsasaka.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento