Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Van vs Van: 2 dedo, 12 sugatan

(North Cotabato/ April 28, 2015)  ---Patay ang dalawa katao habang 12 iba pa ang sugatan makaraang masangkot sa panibagong vehicular accident sa National Highway sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato alas 3:00 ng hapon kahapon.

Sa ginawang imbestigasyon ni PO2 Harjen Pirasol ng Polomolok PNP, kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Pedro Herman, 58-anyos at si Jimmy Herman, nasa wastong gulang.


Habang lima naman sa kanilang mga kaanak na sugatan ay dinala sa General Santos City Hospital habang pito ang dinala sa isang pribadong pagamutan sa Polomolok, at kasalukuyang nagpapagaling.

Batay sa pahayag ni Rocky Diama, 36-anyos, driver ng van na nakabangga sa van ng mga biktima, alas-3:00 ng hapon habang binabaybay nila ang daan mula sa Koronadal patungong GenSan nang biglang nag-overtake sa kanya ang van na sinasakyan ng mga biktima.

Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na umano nito namalayan at nagkabanggaan sila.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang naturang pangyayari habang ang naturang driver naman ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at nananatili ngayon sa selda sa Polomolok Police Station.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento