Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tulong sa mga apektadong magsasaka dulot ng Drought Season sa bayan ng Kabacan, hindi pa naiibigay

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2015) ---Nakahanda na ang pondong nakalaan para sa mga magsasakang naapektuhan sa nakaraang drought season sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Kabacan Municipal Agriculturist Sassong Pakkal sa kanyang pahayag sa isinagawang SB Session kahapon, naantala umano ang pamimigay ng mga ito bunsod na rin sa patuloy pa ring nararanasang init ng panahon sa bayan nitong mga nakaraang araw.


Bagama’t mayroon nang nakalaang pondo para dito mula sa ibinigay ng DA National Office at mula sa Calamity Fund ng bayan ay nangangamba itong baka hindi tumubo ang mga dahil sa patuloy na nararanasang tag-init.

Kanya lamang umanong sinisiguro na sa panahong ibibigay na ang mga binhi na itatanim ng mga magsasaka ay makakaranas na ng pag-ulan ang bayan nang mabuhay ang mga ito.

Nagpaabot naman ng mungkahi si Councilor Jonathan Tabara na ito na ang tamang panahon sapagkat nakaranas na ng tag-ulan ang bayan ilang araw na ang lumilipas.

Nangako naman ang opisyal sa SB na makikipag-usap kaagad ito kay Mayor Herlo Guzman Jr. upang maibigay sa mga apektadong magsasaka ang ayuda para sa mga ito.

Kasama sa mga ipapamahaging mga seedlings ay palay mais at mga vegetable crops.

Maalalang ang bayan ng Kabacan ang unang bayan sa probinsiya ng North Cotabato na isinailalim sa State of Calamity noong April 8, 2015 bunga ng naranasang tagtuyot sa lalawigan ng mga nakaraang buwan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento