By: Christine
Limos
(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2015)
---Mahigit 20 hanggang 30 libong bakanteng trabaho sa jobs fair sa Region 12
ayon sa Department of Labor and Employment Region 12.
Sa panayam ng DXVL news inihayag ni DOLE 12
Regional Director Ofelia Domingo na ngayong araw Labor Day ay may jobs fair at
one stop shop processing sa 2 venue sa SM mall sa General Santos city at KCC mall sa lungsod ng Koronadal.
Dagdag pa ng kawani na ang tema
ngayong taon ay: "Disenteng Trabaho at Kabuhayan sa ating Bayan" kung kaya’t parehong
wage employment at self employment ang kanilang pino-promote para sa mga
estudyante, graduates at mga walang trabaho na naghahanap ng trabaho.
Meron din umanong sports feast na
gagawin sa Sports Complex sa South Cotabato. Parang friendship game umano ito upang
magkaroon ng magandang relasyon ang labor at management at mapreserve ang employment
ng mga trabahador.
May revisiting din umano ng livelihood sa South Cotabato at
Gensan.
Ipinaliwanag din ni Domingo na
magkakaroon din umano ng jobs fair sa North Cotabato pagkatapos ng Labor Day.
Kabilang umano sa mga trabaho na pasok sa mahigit 2 libo ay construction
worker, professional tulad ng nurse, teacher, engineers, sale representative,
human resource o HR, accountant, book keeper, at administrative staff ang
karamihang bakante.
Samantala, sa mga nais umanong mag
inquire sa DOLE 12 maaaring magcontact sa 0832282190.
Meron din umanong 5656
SMS project ang DOLE 12 para mas mapabilis ang serbisyo sa mga aplikante. Maaaring
magtext sa CRM space DOLE 12 space pangalan at ang quiry at isend sa 5656.
Piso
lamang umano ang charge at applicable sa network ng Sun, Smart at Globe.
Wala
umanong pagtaas ng sahod ngunit pinag aaralan ang pagtataas ng sahod sa mga
kasambahay.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento