(North Cotabato/ April 28, 2015) --- Extortion ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga
otoridad sa panibagong insidente ng panununog sa dalawang heavy equipment ng
isang construction firm sa Barangay Poblacion, Makilala, North Cotabato, dakong
alas 8:00 kagabi.
Sa ulat ng Makilala PNP sinalakay ng
mga armadong kalalakihan ang isang bunk house ng Neova-Shera Subdivision at
dinis-armahan ang mga guwardiya at tinangay ang mga armas ng mga ito.
Bago sinabuyan ng gasolina at
sinalaban ang dalawang mga heavy equipment ng nasabing construction firm di
kalayuan sa Makilala Municipal Hall.
Sa hiwalay na panayam ng DXVL Radyo
ng Bayan kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan malaki ang paniniwala nito na
kagagawan ng mga rebeldeng New People’s Army ang nasabing panununog.
Sinabi ng opisyal na agad namang
nakontrol ang pagkakasunog ng nasabing dumptruck at back hoe kungsaan nasa
P20,000.00 lamang ang iniwang pinsala nito.
Sa kabila nito, patuloy ang panawagan
ng gobyerno sa makakaliwang grupo na magbalik loob sa pamahalaan sapagkat may
nakahandang livelihood program ang pamahalaan para sa kanila, dagdag pa ni
Caoagdan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento