Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pambato ng Midsayap kinoronahan bilang Reyna ng Aliwan 2015

Jimmy Sta. Cruz

Kidapawan City (Apr 26) – Nagwagi bilang Reyna ng Aliwan 2015 ang pambato ng Cotabato Province na si Stephanie Joy Abellanida sa katatapos lamang na Aliwan Festival 2015 sa Aliw Theatre, Star City Complex, Pasay City, kahapon, April 25, 2015.

Tinalo ni Abellanida ang 20 iba pang naggagandahang dilag mula sa iba’t-ibang lalawigan at tumanggap ng halagang P100,000 bilang gantimpala.

Bitbit ng dalaga ang Halad Festival ng Midsayap na ginaganap sa Enero ng bawat taon.

Naging 2nd Runner Up ng Search for the Mutya ng Cotabato 2014 Centennial Queen si Abellanida bago ito sumabak at nagwagi sa Reyna ng Aliwan 2015. 

Una ng nangako ang 20-yr old na si Abellanida sa kanyang courtesy call kay Cot Gov Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza na gagawin niya ang lahat ng makakaya upang magtagumpay sa Search for the Reyna ng Aliwan 2015 at iuwi ang karangalan sa Lalawigan ng Cotabato.

Nagbigay ng tulong-pinansiyal ang Provincial Government of Cotabato sa dalaga at iba pang suporta kaugnay ng kompetisyon.

Makapigil hininga naman ang coronation night dahil mahigpit ang laban sa pagitan ng mga kandadida.

Ang iba pang nagwagi ay sina Alexandra Faith Garcia ng Dinamulag Mango Festival ng Zambales bilang 1st Runner-Up at pawang mga 2nd Runners-Up sina Jaymie Lou Pagulayan ng Bambanti Festival ng Isabela; Vianca Louise Marcelo ng Sinkaban Fesival ng Malolos, Bulacan at Gazini Christianan Ganados ng Sinulog Festival ng cebu City.

Para naman sa mga minor awards ay nagwagi ang mga sumusunod – Vianca Louise Marcelo ng Sinkaban Festival, Malolos Bulacan bilang Miss Unique Smile; Alexandra Faith Garcia ng Mango Festival, Zambales bilang Miss Photogenic at Gazini Christiana Ganados ng Sinulog Festival, Cebu bilang Best in Gown and Dazzling Reyna.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento