Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Carnapper, arestado ng Matalam PNP

By: Mark Anthony Pispis

(Matalam, North Cotabato/ April 28, 2015) ---Naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal sa Matalam PNP lock up cell ang isang binata matapos itong masakote dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Poblacion Matalam Cotabato alas 8:00 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO4 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, kinilala nito ang suspek na isang Michael Castillo, 18, walang trabaho at residente ng Brgy. San Fernando sa Lungsod ng Bislig sa lalawigan ng Surigao del Sur.


Sa inisyal na imbetigasyon, nakatanggap ng report ang Matalam PNP, na meroong kahinahinalang lalaki na nagtatago sa mga gemilinahan sa bahagi ng National High Way sa nasabing lugar.

Agad rumispunde ang Matalam PNP at nahuli ang suspek matapos itong walang maipakitang kaukulang papeles.

Napagalamang nakarehistro ang nasabing motorsiklo sa isang kompanya na DC Tech Micro Services Incorporated sa Panciano St. Davao City.

Ayon sa HR ng kompanya, tinangay umano ang motorsiklo sa kanilang garahe alas 9:00 ng umaga kamakalawa.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong kakaharapin ng suspek.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento