Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Pro-BBL, nagsagawa ng Mass Rally sa Provincial Capitol ng Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ April 27, 2015) ---Libu-libong mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang nagsagawa ng Pro-BBL Rally sa harap ng Cotabato Provincial Capitol sa Brgy. Amas, Kidapawan city nitong Sabado.

Ayon kay P/SSupt. Danilo Peralta, ang Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office na kanyang kinausap ang mga leaders ng grupo na magsagawa sana ng mass action na walang permit kaya napagkasunduan ng mga ito na umalis na lamang.

Ang mga nag-poprotesta ay dumating sa harap ng gate ng capitol compound lulan ng daan-daang mga sasakyan at mga motorsiklo.

Napag-alaman na buhat sa bayan ng Tulunan, Mlang, Matalam, Kabacan, Carmen, Pikit, Midsayap at sa ilan pang lugar sa lalawigan.

Karamihan din sa mga ito ay galing din sa Maguindanao.

Alas 7:00 pa ng umaga noong Sabado ay nagtipon na ang mga residente ng Datu Piang at mga Moro-dominated na barangay sa Midsayap sa Poblacion ng Midsayap para sa nasabing caravan.

Bitbit ng mga ito ang Cartolina at mga placards at nagsuot ng armbands na may initial na “BBL”. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento