Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bayan ng Matalam under state of calamity na!

By: Rhoderick BeƱez

(Matalam, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Abot sa 1,731 na mga magsasaka ang apektado ng nagdaang tagtuyot sa bayan ng Matalam, North Cotabato matapos na ideneklara kahapon ang bayan under state of calamity.

Sa datos na ibinahagi ngayong hapon sa DXVL News ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Engr. Marlyn Samson na abot sa 18 mga barangay ang naapektuhan dito.

Aniya, hindi pa nakumpleto ang nasabing bilang sapagkat patuloy pa ngayon ang ginagawang beripikasyon ng Municipal Agriculturist Office ng Matalam.

Kabilang sa mga barangay na naapektuhan ay ang: Central Malamote, Kabulacan, Kibia, West Patadon, Marbel, Ilian, Salvacion, Natutungan, Taculen, Pinamaton, New Pandan, Kilada, Lower Malamote, Manubuan, Sta. Maria, Kidama, Tamped at Minamaing.

Dagdag pa nito na umabot na ng mahigit 106 million pesos ang halaga ng kasiraang idinulot sa agricultural crops sa 18 barangay ng Matalam.

Sinabi ng opisyal na pinakamalaking pinsalang naitala ang sa palay na umabot ng 60 million pesos habang higit 45 million pesos naman sa mais.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento