By: Christine Limos
(Kabacan, North Cotabato/ April 30,
2015) ---Patuloy na sumusuporta sa Bangsamoro Basic Law o BBL ang probinsya ng
North Cotabato sa pangunguna ni North Cotabato Governor Lala Taliño Mendoza.
Ito ayon kay 1st District
Board Member Kelly Antao.
Sa panayam ng DXVL news inihayag ni
Antao na sumusuporta sa usaping pangkapayapaan ang probinsya at nagkakaisa ang
mga lider na hikayatin ang mga kinauukulan lalo na ang mga senador na buksan
ang isipan at puso na bigyang pansin ang BBL dahil umabot na umano sa halos
labing walong taon ang usaping ito.
Naniniwala din si BM Antao na may
sapat na panahon pa ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III upang
maipasa ang BBL. Dagdag pa niya na desidido ang pangulo na maipasa ang BBL.
Alam din umano ng lahat na nagkaroon
ng malaking development simula ng mag umpisa ang usaping pangkapayapaan.
Inihayag din ni BM Antao na opisyal
naipasa na ang mga ordinansa at panukalang batas sa probinsya na isinusulong
tulad ng inter agency, land dispute, gender code at ang public safety ay
inaasahang maipapasa na rin.
Nagbigay rin ng pahayag si BM Antao
tungkol sa pagpapaliban ng pagbitay kay Mary Jane Viloso.
Aniya, isang napakagandang hakbang
umano na binigyang pansin ng pamahalaan at patuloy umanong ipagdasal ang ating
kababayan.
Nanawagan din si BM Antao na maging
mapagmasid sa mga sakuna at tungkol umano sa usaping aswang na kumakalat sa
North Cotabato at kung sino man umano ang nagpapakalat ng text messages tungkol
dito ay huwag ng dagdagan ang takot ng mga mamamayan ng North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento