Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OPPAP: BBL, ipapasa na sa Hunyo 11 ---ayon sa LMT North Cotabato

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Kinumpirma ni Local Monitoring Team Jabib Guibar na tiyak ng maipapasa  ang Bangsamoro Basic Law o BBL sa Hunyo 11 ng taong kasalukuyan.

Ginawa ni Guiabar ang pahayag matapos isinagawa ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP assembly kahapon sa Baranggay Aringay  dito sa bayan ng Kabacan.


Sa panayam ng DXVL news inihayag ng opisyal na dumalo sa assembly si OPAPP Under Secretary  Hon. Luisito Montalbo kung saan sinabi nitong tuloy na tuloy na ang pagpasa ng BBL.

Dagdag pa ni Guiabar na kasama ng OPAPP ang Kalilintad Development Foundation Incorporated o KDFI, isang NGO na naatasang mag organize ng OPAPP assembly.

Sinabi ni LMT Jabib Guiabar na tapos na umanong idaos ang assembliya sa mga bayan ng Mlang, Matalam, Kabacan, Pikit at Carmen. Inaasahan umanong gaganapin ang susunod na assembliya sa mga bayan ng Tulunan, Libungan, Midsayap at Alamada.

Samantala, inihayag din ng opisyal na sa kasalukuyan ay pabor na sa BBL si Senador Bongbong Marcos at unti unti na rin umanong lumalamig patungkol sa BBL si Senador Peter Cayetano. Naghahanap umano ng paraan si Senador Cayetano upang makausap ang liderato ng MILF.
Ipinaliwanag din ni Guiabar na kapag naipasa ang BBL mai-explore na umano ang kayamanan sa Ligwasan Marsh at hindi lamang Bangsamoro ang makikinabang kundi ang buong Pilipinas.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento