By:
Mark Anthony Pispis
(Matalam, North Cotabato/ April 30,
2015) ---Patay ang isang binatilyo matapos na makuryente sa nilusong na sapa sa
Brgy. Kabulacan sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 10:00 ng umaga nitong
Martes.
Ayon kay Cotabato Electric
Cooperative Inc. Spokesperson Vincent Baguio sa panayam ng DXVL News, bagamat
hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima, nasa edad 20-25 ang nasabing binate.
Anya, nag-aayos umano ng isang poste
ng linya ng Cotelco ang mga lineman dahil nadamay ito ng sinunog ng mga residente
ang tubuhan (sugar cane plantation).
Naka-off naman umano ang linya ngunit
hindi namalayan ng mga lineman na may isang service drop wire na naka-kunekta
galing sa ibang linya ng kuryente.
Nang pinutol nang isang lineman ang
nasabing service drop wire ay nasagi ito sa ilog kungsaan napunta ang daloy ng power
supply sa isang sapa.
Sa kaparehong pagkakataon ay nangisda
naman ang biktima sa nasabing ilog at nakuryente na naging dahilan ng agaran
nitong kamatayan.
Dagdag pa ng opisyal na aksidente
lamang umano ang nangyari.
Inako naman ng Cotelco ang gastusin
sa ospital at pati ang gastos sa punerarya.
Patuloy naman ngayon ang ginagawang pakipag-ugnayan
ng Cotelco sa naulilang pamilya ng biktima upang maibigay ang mga kinakailangang
tulong dito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento