By: Mark
Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 28,
2015) ---Libu-libung mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang nagsagawa
ng parada sa bayan ng Kabacan upang ipanawagan ang kanilang suporta sa
Bangsamoro Basic Law o BBL alas 7:30 kagabi.
Sa impormasyong nakalap ng DXVL News
Team, natapos ang nasabing parada dakong alas 8:45 ng gabi.
Nasa tinatayang nasa 3-4 na libung
mga MILF ang sumali nasabing aktibidad.
Nanggaling ang mga partisipante mula
sa Bayan ng Kabacan, Carmen, Pikit at bayan ng Matalam sa lalawigan ng North
Cotabato at bayan ng Pagalungan sa lalawigan ng Maguindao.
Dala ng mga partisipante ang mga ilaw
o “solo”.
Nagsimula ang parada mula sa Kayaga
Terminal Complex, papuntang USM Avenue, USM Compound, National Highway sa may
sa Aringgay at pabalik sa Kayaga Terminal Complex.
Layon ng grupo ay upang makalikom ng
suporta para sa pagsulong ng BBL.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento