Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rescue Operation kontra sa dinukot na dalagita sa Maguindanao, nagpapatuloy

(Maguindanao/ April 28, 2015) ---Hanggang ngayon ay hindi pa rin natunton ng mga otoridad ang kinalalagyan ng dalagita na dinukot sa Buluan, Maguindanao.

Ayon kay Buluan Chief of Police, S/Insp. Alonto Arobinto, naganap ang pagdukot noong April 1 ngunit ngayon lamang inilabas sa publiko.

Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy ang negosasyon ng pamilya ng biktima at mga suspek ngunit hanggang ngayon ay hindi pa pinapakawalan ang dalagita.

Para maproteksyunan, pansamatala munang itinago ng mga otoridad ang identity ng biktima na 16-anyos pa lamang.

Nabatid na nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang tahanan nang dukutin ito ng dalawang suspek na nakilalang sina Ryan Dilna at Kuli Dilna kung saan pilit na dinala ang dalagita sa isang liblib na lugar sa bayan ng Mangudadatu. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento