Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Clan war: 6 patay, 9 sugatan

(Lanao Del Sur/ April 28, 2015) ---Anim na ang kumpirmadong patay sa madugong magkasunod na rido o clan war sa bayan ng Wao, Lanao Del Sur.

Sinasabing nagsimulang sumiklab ang clan war makaraang pagpapatayin ng ‘di-pa kilalang kalalakihan ang dalawang menor-de-edad noong Biyernes ng hapon, ayon sa hepe ng Wao PNP na si P/Chief Inspector Ericson Banaga.


Nabatid na nagpapastol lamang ng mga alagang kalabaw ang mga biktimang may edad 13 at 15 sa bahagi ng Barangay Campo Dos Park Area nang biglang pagtatagain hanggang sa mapatay.

Ayon sa ulat, natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa ilog at sa ilalim ng isang sasakyan.

Samantala, matapos ang insidente nasundan pa ito noong Sabado ng umaga nang biglang pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan ang ilang residente sa Sitio Magampong na nagresulta ng pagkamatay ng apat habang siyam naman ang nasugatan kabilang na ang dalawang buntis.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala mula sa iba’t ibang uri ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Kasalukuyang nakaalerto ang mga awtoridad sa anumang muling magaganap na karahasan sa nabanggit na lugar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento