Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11 mga LTO agent; ipinakulong ni Cotabato Governor Mendoza

Written by: Rhoderick Benez

Ipinakulong ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang labin isang mga LTO agent na nagsasagawa ng inspeksiyon sa national highway ng Matalam at Kabacan na walang kaukulang deriktiba mula sa Land Transportation Regional Office.

Ngayong araw isinampa na ng gobernadora ang reklamo laban sa 11 mga LTO agent ng Kabacan sa Cotabato Provincial Prosecutor’s Office.

Ang mga ito ay kinilalang sina: Yusoph Mamaluba, Ferdan Reformado, Eddie Waguia, Teng Mastura, Roy Pedtamanan, William Esmael, Abdullah Paunti, Alamada Israel, Salapon Mulod, Jordan Jainal, and Badrudin Ali kungsaan dinampot ang mga ito ng mga tauhan ng gobernador na pansamantalang ikinulong sa Matalam PNP.

Bagama’t di nakasama sa mga nahuli ang Kabacan LTO head District na si Andy Batocapl kasali pa rin siya umanong kakasuhan, ayon sa gobernador.

Electoral protest ng dating mataas na opisyal ng North Cotabato; isinapubliko

Written by: Rhoderick Beñez

Photo captured by: Anthony Henilo
(Kabacan, North Cotabato/January 13, 2012) ---Sa pamamagitan ng pagpapatawag ng pulong pambalitaan sa mga kagawad ng media at sa kanyang mga supporters, isinapubliko ni dating Vice Governor Emmanuel “Manny” Piñol ang inisyal na resulta ng electoral protest nito noong nakaraang 2010 National at local election.

Ang nasabing press conference ay hinggil sa nangyari umanong dayaan sa gobernaturial race sa probinsiya.

Batay sa naging pahayag ni Piñol, tinukoy nito ang unang limampu’t anim na presinto kungsaan ay may nangyari diumanong manipulasyon.

Sa ngayon, hihintayin umano ng kampo ni Piñol ang desisyon ng comelec batay na rin sa mga ebedensiya na kanilang naisumite sa nasabing tanggapan.

Una rito, tahasang sinabi nito na ang Malacañang at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng "automated" na dayaan sa Cotabato province.
Ayon kay Piñol, sangkot sa dayaan ang mga board of election inspectors (BEIs) kung saan nangyari ang computer manipulations at vote buying.
Napahiya umano ang Malacañang sa ibinasurang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD), habang dinaya naman siya ng MILF sa kanilang teritoryo dahil sa pagkontra nito sa nasabing kasunduan.
Samantala, sa panayam ng DXVL -Radyo ng Bayan kay MILF Spokesperson Von Al Haq, itinanggi nito ang nasabing akusasyon dahil hindi naman umano kasali ang MILF sa political exercise ng gobyernong Pilipinas at walang kinalaman sa nangyaring dayaan ang grupo nila sa North Cotabato.
Dagdag pa nito, na analysis lamang umano ito ni Piñol ang MOA-AD upang may masisi ito sa kanyang pagkatalo bagama’t wala umanongkinalaman ang MOA-AD sa kanyang pagkatalo, ayon kay Al Haq.

Basurang abot na sa 2 buwang di pa nahakot sa Purok Masagana, inirereklamo

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 12, 2012) ----Hanggang ngayon ay magdadalawang buwan ng hindi pa rin nahakot ang mga basura sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan ---partikular na nakatambak ngayon ang mga ito sa Jose Abad Santos St.

Dahilan kung bakit ito nirereklamo ng mga residente doon.

Una rito, inireport din kahapon ang mga basura sa USM Housing at Plang village na hindi pa rin umano nahakot ng garbage compactor.

Kaya ang reklamo aming idinulog sa tanggapan ng Municipal environment and Natural Resources.

Paliwanag ni MENRO Officer Jerry Laoagan na ang mga erya kungsaan di pa nahakot ang mga basura ay sakop umano ng garbage compactor ng brgy.

Napag-alaman na dalawang buwan na din palang sira ang garbage compactor ng brgy kaya di ito magamit.

Kaugnay nito, pansamantala munang maghahakot ang garbage compactor ng munisipyo sa mga erya na sakop ng brgy.

Sa kabila nito, nais pa rin ng mga residente sa lugar ang mas mabilis na aksiyon dahil kapag isang linggo lang na di mahakot ang mga basura, nagdudulot na ito ng malansang amoy at dahilan pa ng pagdami pa ng mga langaw.  

Kalibre 22 na baril at lampara, ginamit sa pagbaril at tangkang panununog sa Radyo ng Bayan-Cotabato

(USM, Kabacan, North Cotabato/January 11, 2012) ---Matapos ang tangkang panununog at pamamaril na tumagos sa pader sa himpilan ng Radyo ng Bayan ng DXVL 94.9 ay nagpalabas na ng opisyal resulta ang pulisya kauganay sa kanilang isinagawang imbestigasyon.

Tarpaulin na ginamit sa tangkang
panununog sa DXVL 
Sa ginawang pagsisiyasat ng Kabacan PNP, ginamit ng hindi pa nakilalang suspek ang isang calibre 22 na baril sa pagbaril sa himpilan. Natuklasan din ng pulisya na lampara na may lamang gaas ang ginamit ng suspek sa tangkang panununog sa himpilan sa pamamagitan ng pagpasok nito sa butas na nasa likurang bahagi ng himpilan bandang 1:40 kahapon ng madaling araw.

Kaninang umaga, kapwa nagpalabas ng opisyal na pahayag ang National Union of Journalist in the Philippines o N-U-J-P-Manila at Kidapawan City Chapter na nagkokondena sa naturang karahasan.

live studio
Umaasa naman ang pamunuan ng DXVL FM Radyo ng Bayan at University of Southern Mindanao na magkaroon ng kalutasan ang nangyari at matukoy ang sinumang nasa likod nito. (with report from Virgilio Abatayo)

Approval ng Kulaman Ecotourism Center sa Bayan ng kabacan, Isinusulong

Written by: Suzanette Granfil

(Kabacan, North Cotabato/January 11, 2012) ---Isinusulong ng Municipal Environmental and Natural Resources Office o MENRO ng LGU Kabacan ang final approval ng proyektong “KULAMAN ECOTOURISM CENTER”.

Ito’y naglalayong mapaunlad ang turismo sa bayan ng Kabacan. Isang milyong piso ang ipinagkaloob ng provincial government sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Lala Taliño Mendoza at karagdagang isang milyon din ng munisipyo para sa konstruksyon ng daan patungong Pisan cave.

Dahil dito, inaasahang lalakas pa ang turismo sa bayan partikyular na ang lugar ng Kulaman sa barangay Pisan kung saan naroroon ang Pisan Cave at ang ipapatayong KULAMAN ECOTOURISM CENTER.

Magpapatayo din ng isang gusali kung saan may Conference room, Palikuran, at Office display center ng mga native products na isa sa mga inaasahang magiging hanap buhay ng mga resedente ng Pisan. Positibo naman si Gov. Mendoza, na maiimplementa na ang naturang proyelto ngayong first quarter ng taon. 

NJUP, kinondena ang tangkang pagsunog sa radio station sa North Cotabato

 Mariing Kinondena ngayon ng ilang mga mamamahayag at maging ng mga kasapi ng National Union Journalist of the Philippines ang tangkang panununog sa himpilan ng DXVL Radyo ng Bayan sa Kabacan, North Cotabato.
Sa pahayag na ipinadala ng National Union Journalist of the Philippines (NUJP), kinokondena ng mga ito ang tangkang pagsunog sa radio station na pinapatakbo ng University of Southern Mindanao (USM).
Ayon sa NUJP, inalerto na nila ang mga local stations habang nakatakda namang magpalabas ng pahayag ang NUJP-Kidapawan sa nangyaring insidente.
Napag-alaman na bago pa man nangyari ang masamang plano ng mga suspek, pinaputukan pa ng baril ang nasabing istasyon na tumagos ang bala sa live studio at tumama sa pintuan.
Masuwerte naman na walang sugatan o nasirang mga radio equipment sa nasabing radio station maliban na lamang sa bahagi ng pader na nasunog.
Sa ngayon, malalimang imbestigasyon ang ginagawa ng mga otoridad sa pangyayari.

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

Jan. 10, 2012
ALERT

Attempted arson on North Cotabato school radio station  

Still unidentified men attempted to burn down the radio station of a state university in Kabacan town, North Cotabato province early Tuesday morning.

Three hours before the attempt to burn down dxVL Radyo ng Bayan 94.9 FM, operated by the University of Southern Mindanao (USM), a shot was also fired at the station.

A report on the incident posted on the station's blog said a tarpaulin sign at the back of the station was set on fire around 4:30 a.m. However, the guard on duty noticed smoke coming from the transmitter room and immediately called the local Bureau of Fire Protection.

Images from the blog (http://dxvl949.blogspot.com/2012/01/written-by-rhoderick-benez-update-sa.html) showed a portion of the wall located near the announcer’s booth blackened by fire.

At 1:40 a.m., a security guard of the nearby university hospital heard a gunshot coming from the side of dxVL. Police later recovered a slug of unknown caliber form door of the station's studio. 

Rhoderick Beñez, dxVL news and information assistant, told NUJP they do not have any possible suspects in mind. The station has been discussing issues such as illegal logging, but he said, “So far, wala naman po kaming natatanggap na threat (we have not received any threat).”

Beñez added there had been no prior attempts to set the station on fire. However, in December 2011, a USM-owned vehicle exploded at the university carpool located near the station.


Reference:
Rowena C. Paraan
Executive Coordinator
NUJP-IFJ Media Safety Office




Seguridad sa USM, pinaigting kasabay ng nangyaring panununog sa himpilan nito

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2012) Kasabay ng pagpapalabas ng NUJP ng kanilang statement hinggil sa nangyaring panununog sa himpilan ng DXVL Radyo ng Bayan kahapon ng madaling araw.

Agad na pinaigting ngayon ng pamunuan ng University of Southern Mindanao ang seguridad sa loob ng USM main campus at sa lahat ng vital installation nito.

Nakipag-uganayan naman si DXVL station manager Dr. Anita Tacardon sa USM Security Services and management.

Una dito ilang oras bago naganap ang insedente kagaya ng pamamaril at panununog sa DXVL ay agad na naglabas ng statement ang NUJP Metro Manila at ang NUJP Kidapawan chapter hinggil sa nangyari.

Sa kanyang mensahe, mariing kinondena ngayon ni NUJP Kidapawan City chapter President Malu Cadalina Manar ang nasabing gawain, kungsaan nais nitong mapanagot ang responsible sa tangkang panununog sa himpilan ng Radyo ng Bayan.




Press Statement
Jan 11, 2012

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILS
Kidapawan City chapter


THE attack against DXVL is clear manifestation of how press freedom is violated.
      When the freedom to express opinions is restrained or when truth is circumvented to pursue one’s interests, it’s when the role of the press as source of information, education, and entertainment is defeated and ruined.
      One primary duty of media in the society is to inform and educate the public.
      It helps transform the society.
      Therefore, as a group protecting the media and the workers, we call on authorities to dig deeper on their probe.
      We only don’t want to know who did the crime.
      We want to unmask the mastermind and place him or her behind bars.


For reference:

Malu Cadelina Manar
President, NUJP Kidapawan City chapter
National Director, NUJP  








Kabacan, isinailalim na sa state of Calamity

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 11, 2012) ---Isinailalim sa state of Calamity ang bayan ng Kabacan dahil sa mga pagbaha at flashflood na tumama sa bayan bago matapos ang taong 2011 ng Disyembre, dahil sa pag-apaw ng tubig baha mula sa Pulangi makaraang magpakawala ng malaking tubig ang Bukidnon Dam mula sa Valencia.

Ang deklarasyon ay ginawa ng mga kasapi ng Sanggunian nitong unang regular na session ng mga mambabatas batay na rin sa mga pinsala na naireport ni Municipal Agriculturist Sassong Pakkal sa walong mga barangay na malubhang naapektuhan ang mga pananim.

Sa pagtaya ng Municipal Agricultural Office, umaabot kasi sa P2,320,132.00 ang kabuuang pinsala sa mga barangay ng Aringay, Buluan, Cuyapon, Nangaan, Simone, Kayaga at iba pa.

Kabilang sa mga pananim na napinsala ng pagragasa ng tubig baha ay ang palay, mais mga gulayan at iba pa.

Samantala sa data naman ng MSWDO, napag-alaman na abot sa 1,838 na mga pamilya ang naitalang naapektuhan mula sa anim na brgy. na nalubog sa tubig baha noong Disyembre a-28 ng nakaraang taon.

Kung kaya’t ayon kay Secretary to the Sanggunian Beatriz Maderas na nagdeklara ang SB ng under state of calamity ang Kabacan dahil na rin sa deriktiba ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pag-adopt ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Code upang magamit nito ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Fund na 5%.

Pinakamalaking sabungan sa Kabacan, pinasara ng LGU Kabacan

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 11, 2012) ---Sarado na ngayon ang sabungan na nasa barangay Osias, Kabacan ---itinuturing na isa sa mga malaking sabungan sa bayan, na pagmamay-ari ng isang Frederick Lao, makaraang ipinasara na ito ng LGU Kabacan nitong Disyembre.

Ito dahil sa anim na taon na itong nag-ooperate na walang permit, ayon sa report.
Malaki na rin diumano ang buwis nito na  di pa nababayaran sa pamahalaang lokal.

Matagal na ring nagbigay ng abiso ang LGU sa operator ng nasabing sabungan na magkuha ng business permit upang di na ito tuluyang mapasara.

Pero nagmamatigas umano ang may ari ng naturang sabungan, kaya bago pumasok ang taong 2012, tiniyak ng LGU na hindi na ito makapag-operate ngayong taon.

Ang ilan, na doon umaasa ng ikinabubuhay ay dismayado sa pagsara ng naturang sabungan.

Paliwanag naman ng LGU na maituturing na illegal ang operasyon ng naturang sabungan kapag walang permit lalo pa’t sugal ang pagpapasabong ng manok.

NUJP nag bigay na ng alert matapos ang pananangkang panununog sa Radio station ng USM

(Kabacan, North Cotabato/January 10, 2012) ---Kinondena ngayon ng ilang mga mamamahayag at maging ng mga kasapi ng National Union Journalist of the Philippines ang nangyaring pananabotahe sa himpilan ng DXVL Radyo ng Bayan na nakabase dito sa bayan ng Kabacan North Cotabato.

Ito ayon kay Rupert ng NUJP na nakabase sa Metro Manila makaraang mabalitaan ang nangyaring pananangkang pagsunog sa radio station na pinapatakbo ng University of Southern Mindanao na nasa College of Arts and Sciences kaninang alas 4:30 ng madaling araw.

Ayon sa opisyal gumagawa na sila ngayon ng alert at naglalatag naman ang local NUJP sa Kidapawan ng statement bilang pagkondena sa nangyari.

Nabatid na bago pa man nangyari ang masamang balakin ay binaril pa umano ng di pa nakilalang suspetsado ang istasyon na tumagos ang bala sa live studio at tumama sa pintuan.

Maswerte namang walang napinsala sa mga radio equipment ng istasyon maliban na lamang sa bahagi ng pader na nasunog.

Sa ngayon mas malalim pa na imbestigasyon ang ginagawa ng mga otoridad para mapanagot ang responsable sa nasabing pangyayari.

Balik naman sa normal na operasyon ang DXVL na sumasahimpapawid ng live sa 94.9megahertz sa FM band ng inyung mga radio sets matapos na mailagay sa ayos ang equipment nito. (Rhoderick Beñez)

Brgy. Kapitan sa bayan ng Carmen, North Cotabato; pinagbabaril, patay

Written by: Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/ January 10, 2012) ---Patay ang isang brgy. kapitan makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga salarin gamit ang di pa matukoy na uri ng armas sa brgy. Kibines, Carmen, North Cotabato alas 4:42 ng hapon, kahapon.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Ramon Sardon, nasa tamang edad, may asawa at punong brgy. ng Tonganon, Carmen na nagtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo nito na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Pinagbabaril umano ang biktima habang sakay sa kanyang single motorcycle kungsaan nagtamo din ng sugat sa kanang bahagi ng kanyang kamay ang angkas ni Sardon na nakilalang si Moises Tamagos na mabilis namang isinugod sa Nakitkitan clinic, na nasa Poblacion ng nabanggit na bayan para malapatan ng karampatang lunas.

Kinuha umano ng mga suspek ang motorsiklo na minamaneho ng biktima matapos ang nangyaring insedente.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga kasapi ng Carmen PNP sa ilalim ni team SP02 Jacinto at ng mga elemento ng 7IB, Philippine Army.

Posible umanong carnapping ang motibo ng mga salarin, batay sa lumalabas na inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad. 

(update) Station binaril bago pa tangkaing sunugin

Written by: Rhoderick Beñez

(Update) Sa pagpapailalim pa ng imbestigasyon ng mga pulisya sa nangyaring pagsunog sa himpilan ng DXVL Radyo ng Bayan, bandang alas 4:30 kaninang umaga.

Napag-alaman na bago pa man tangkaing sunugin ang himpilan ng DXVL may narinig umanong putok ng baril ang isa sa mga gwardiya ng USM Hospital, ilang metro lamang ang layo mula sa istasyon kaninang ala 1:40 ng madaling araw kanina.

Sa sinagawang pagsisiyasat ng mga pulis, narekober sa loob ng live studio ang bala na tumagos sa pader ng live studio at tumama sa pintuan ng nasabing room.

Hindi pa matiyak kung anung klase nab aril ang ginamit sa nasabing pananabotahe ayon sa report.

Dahil sa mausok ang loob ng transmitter room pansamantala munang sinuspende ang broadcast sa ere.

Inaalam pa ng mga otoridad kung anu ang motibo ng nasabing panununog at pamamaril sa DXVL-Radyo ng Bayan, himpilan na pinapatakbo ng University of Southern Mindanao.
Ganap na alas 7:55 ng umaga kanina ay balik na ang operasyon ng DXVL Radyo ng Bayan.


Isang istasyon ng Radyo sa North cotabato; muntik ng masunog

(USM, Kabacan/January 10, 2012) ---Muntik ng maabo ang himpilan ng Radyo ng Bayan sa North Cotabato na pinapatakbo ng University of Southern Mindanao, Kabacan, North Cotabato.


Nangyari ang insedente bandang mga alas 4:30 ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Kabacan, ginamit umano ng di pa nakilalang salarin ang tarpaulin na nakakabit sa likurang bahagi ng istasyon sa pagsunog.

Ng umusok sa loob ng transmitter room doon na at napansin ng gwardiya na nasusunog ang likurang bahagi ng DXVL Radyo ng Bayan 94.9.

Mabilis namang sumugod ang mga kagawad ng pamatay sunog at agad na inimbestigahan ang pangyayari.

Sa ngayon ay pansamantala munang na off –air ang DXVL 94.9.

Huling araw ng Registration at Validation para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s sa Kabacan hanggang bukas na lamang

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 9, 2012) ---Patuloy pa rin ang panawagan ngayon ng pamunuan ng Municipal Social welfare and Development Office sa lahat ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s dito sa bayan ng Kabacan na hanggang bukas na lamang ang validation at registration.

Ito ang sinabi kahapon ni MSWD Officer Susan Macalipat makaraang marami pa rin umano sa mga listahan nila na kasali sa nasabing programa ng pamahalaang Nasyunal ang di pa rin nakapag-comply ng kanilang mga kaukulang dokumento.

May mga report kasi na ilan sa mga benepesyaryo ng nasabing programa ay wala pang mga birth certificate at mga dokumentong magpapatunay sa pagkakakilanlan nila.

Ito rin ang isa sa mga napag-usapan sa unang regular na session ng SB nitong nakaraang linggo kasama ang Municipal Registar na si Mr. Gandy Mamaluba kung anu ang mga hakbang na gagawin hinggil dito.

Para sa mga stakeholders ng 4P’s sa Kabacan na hindi pa nakapag-comply mangyari lamang na puntahan ang tanggapan ng Brgy. Poblacion para sa mga taga-Poblacion at sa opisina naman ng MSWDO-Kabacan sa iba pang mga barangay.

Kung matatandaan, abot sa limang libung mga beneficiaries meyron ang Kabacan buhat sa 24 na mga barangay.

Ang 4P’s ay tinatawag ding Conditional Cash Transfer na naglalayong makapagtulong sa pamamagitan ng conditional cash grants sa mga mahihirap na Pamilyang Pilipino para sa kanilang kalusugan at pantustos sa edukasyon partikular sa mga batang edad 0-14 na taong gulang.


MDRRMC Kabacan, nagsagawa ng pagpupulong para sa disaster management

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/January 9, 2012) --- Dahil sa dalawang namumuong sama ng panahon nitong mga nakaraang araw, agad na nagpatawag ng pagpupulong ang binuong Municipal Disaster Risk Reduction & Management Council o MDRRMC Kabacan ngayong hapon sa Kabacan Municipal Hall.

Ito ayon kay Kabacan Municipal Interior and Local Government Operation Officer Jasmin Musaid para una ng paghandaan ang anumang kalamidad na posibleng maidulot nito.
Itinalaga bilang bagong Municipal Disaster Risk Reduction & Management Officer si Engr. Cedric Mantawil kungsaan inihayag ng opisyal na mas pinaigting pa ang nasabing disaster management sa bayan sa pamamagitan ng R.A. 10121.

Ang grupo ayon pa sa opisyal ay binubuo ng iba’t-ibang sektor mula sa hanay ng mga negosyante, brgy opisyal, mga pulis at iba pa na ang pokus ay nasa disaster o mga kalamidad.

Aminado naman si Engr. Mantawil na malaki ang papel na kanilang ginagampanan dahil maaaring managot ang LGU ditto kapag hindi ito nagagampanan ng maayos.

Bagama’t nasa ikatlong pagbasa pa lamang ang pag-adopt ng naturang batas, umaasa naman ang opisyal na magiging ganap na itong batas ngayong buwan dahil nasa third and final reading naman ito sa Sanggunian.

Kaugnay nito, sinabi pa ng dating mambabatas na meyron na silang inilatag na 5 years contingency plan kabilang na dito ang mga paghahanda, mga dapat gagawin at maging ang pondo na gagamitan sa panahon ng sakuna.