(Kabacan, North Cotabato/January 10, 2012) ---Kinondena ngayon ng ilang mga mamamahayag at maging ng mga kasapi ng National Union Journalist of the Philippines ang nangyaring pananabotahe sa himpilan ng DXVL Radyo ng Bayan na nakabase dito sa bayan ng Kabacan North Cotabato.
Ito ayon kay Rupert ng NUJP na nakabase sa Metro Manila makaraang mabalitaan ang nangyaring pananangkang pagsunog sa radio station na pinapatakbo ng University of Southern Mindanao na nasa College of Arts and Sciences kaninang alas 4:30 ng madaling araw.
Ayon sa opisyal gumagawa na sila ngayon ng alert at naglalatag naman ang local NUJP sa Kidapawan ng statement bilang pagkondena sa nangyari.
Nabatid na bago pa man nangyari ang masamang balakin ay binaril pa umano ng di pa nakilalang suspetsado ang istasyon na tumagos ang bala sa live studio at tumama sa pintuan.
Maswerte namang walang napinsala sa mga radio equipment ng istasyon maliban na lamang sa bahagi ng pader na nasunog.
Sa ngayon mas malalim pa na imbestigasyon ang ginagawa ng mga otoridad para mapanagot ang responsable sa nasabing pangyayari.
Balik naman sa normal na operasyon ang DXVL na sumasahimpapawid ng live sa 94.9megahertz sa FM band ng inyung mga radio sets matapos na mailagay sa ayos ang equipment nito. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento