Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/January 9, 2012) --- Dahil sa dalawang namumuong sama ng panahon nitong mga nakaraang araw, agad na nagpatawag ng pagpupulong ang binuong Municipal Disaster Risk Reduction & Management Council o MDRRMC Kabacan ngayong hapon sa Kabacan Municipal Hall.
Ito ayon kay Kabacan Municipal Interior and Local Government Operation Officer Jasmin Musaid para una ng paghandaan ang anumang kalamidad na posibleng maidulot nito.
Itinalaga bilang bagong Municipal Disaster Risk Reduction & Management Officer si Engr. Cedric Mantawil kungsaan inihayag ng opisyal na mas pinaigting pa ang nasabing disaster management sa bayan sa pamamagitan ng R.A. 10121.
Ang grupo ayon pa sa opisyal ay binubuo ng iba’t-ibang sektor mula sa hanay ng mga negosyante, brgy opisyal, mga pulis at iba pa na ang pokus ay nasa disaster o mga kalamidad.
Aminado naman si Engr. Mantawil na malaki ang papel na kanilang ginagampanan dahil maaaring managot ang LGU ditto kapag hindi ito nagagampanan ng maayos.
Bagama’t nasa ikatlong pagbasa pa lamang ang pag-adopt ng naturang batas, umaasa naman ang opisyal na magiging ganap na itong batas ngayong buwan dahil nasa third and final reading naman ito sa Sanggunian.
Kaugnay nito, sinabi pa ng dating mambabatas na meyron na silang inilatag na 5 years contingency plan kabilang na dito ang mga paghahanda, mga dapat gagawin at maging ang pondo na gagamitan sa panahon ng sakuna.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento