Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/January 11, 2012) ---Sarado na ngayon ang sabungan na nasa barangay Osias, Kabacan ---itinuturing na isa sa mga malaking sabungan sa bayan, na pagmamay-ari ng isang Frederick Lao, makaraang ipinasara na ito ng LGU Kabacan nitong Disyembre.
Ito dahil sa anim na taon na itong nag-ooperate na walang permit, ayon sa report.
Malaki na rin diumano ang buwis nito na di pa nababayaran sa pamahalaang lokal.
Matagal na ring nagbigay ng abiso ang LGU sa operator ng nasabing sabungan na magkuha ng business permit upang di na ito tuluyang mapasara.
Pero nagmamatigas umano ang may ari ng naturang sabungan, kaya bago pumasok ang taong 2012, tiniyak ng LGU na hindi na ito makapag-operate ngayong taon.
Ang ilan, na doon umaasa ng ikinabubuhay ay dismayado sa pagsara ng naturang sabungan.
Paliwanag naman ng LGU na maituturing na illegal ang operasyon ng naturang sabungan kapag walang permit lalo pa’t sugal ang pagpapasabong ng manok.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento