Written by: Suzanette Granfil
(Kabacan, North Cotabato/January 11, 2012) ---Isinusulong ng Municipal Environmental and Natural Resources Office o MENRO ng LGU Kabacan ang final approval ng proyektong “KULAMAN ECOTOURISM CENTER”.
Ito’y naglalayong mapaunlad ang turismo sa bayan ng Kabacan. Isang milyong piso ang ipinagkaloob ng provincial government sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Lala Taliño Mendoza at karagdagang isang milyon din ng munisipyo para sa konstruksyon ng daan patungong Pisan cave.
Dahil dito, inaasahang lalakas pa ang turismo sa bayan partikyular na ang lugar ng Kulaman sa barangay Pisan kung saan naroroon ang Pisan Cave at ang ipapatayong KULAMAN ECOTOURISM CENTER.
Magpapatayo din ng isang gusali kung saan may Conference room, Palikuran, at Office display center ng mga native products na isa sa mga inaasahang magiging hanap buhay ng mga resedente ng Pisan. Positibo naman si Gov. Mendoza, na maiimplementa na ang naturang proyelto ngayong first quarter ng taon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento