Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Malaking buwaya, nahuli ng mga mangingisda

Photo by: Hernand Dapudong, NDRRMC North Cot
(Mlang, North Cotabato/ April 13, 2014) ---Isang malaking buwaya ang nalambat ng mga mangingisda sa Liguasan Marsh sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao alas 4:00 kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat ang NDRRMC North Cotabato ang nasabing buwaya ay may habang walong talampakan at mahigit 100 kilo ang timbang na nahuli ng mga mangingisda sa Barangay Dungguan, M'lang, North Cotabato.

Programang pang-kaunlaran, isinusulong ng militar sa bayan ng Arakan

(Arakan, North Cotabato/ April 12, 2014) ---Iba’t-ibang programang pang-kaunlaran ang ipinagkaloob ng pamunuan ng 57th Infantry Battalion, Philippine Army sa may Barangay Ladayon, Arakan, North Cotabato.

Ang programa ay pinangunahan ni 57th IB Commander Lt. Col. Nilo Vinluan para sa isinasagawa nilang Peace and Development Outreach Program.

Mga otoridad blanko pa sa motibo sa pagbaril patay sa isang mananahi sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2014) ---Blanko pa ang Kabacan PNP sa kung anu ang motibo sa panibagong insedente ng pamamaril sa loob ng Kabacan Public Market, Poblacion, Kabacan pasado alas 5:00 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Maliga Mulod alias Kigs, 57-anyos, may asawa, may ari ng Bog’s Tailoring at residente ng Mapanao St., Poblacion ng bayang ito.

3 taong gulang na bata; utas sa sunog

(Arakan, North Cotabato/ April 11, 2014) ---Natusta sa sunog ang isang tatlong taong gulang na bata matapos na maiwan ito sa ikalawang palapag ng bahay na nasusunog sa Barangay Alab, Arakan, North Cotabato alas 7:00 kagabi.

Sa ulat ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang biktima na si Riezel Bangoy,3-anyos at apo ni Leo Arandilla, may ari ng bahay at kapitan sa nasabing barangay.

Aplikasyon sa CHED Tulong- Dunong Scholarship program dadaan sa masusing screening process

By: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Inihayag ng pamunuan ng Commission on Higher Education o CHED Regional Office XII na isasailalim sa masusing screening process ang lahat ng mga nagsumite ng aplikasyon sa Student Financial Assistance Program o STUFAP Tulong- Dunong.

Nabatid na libu- libo na ang nakapagsumite ng aplikasyon kabilang na dito ang mga walk –in applicants and endorsed applicants mula sa iba’t- ibang congressional districts sa Region 12.

Mananahi, pinabulagta!

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Pinabulagta ng isang gunmen assassin ang isang pananahi sa mismong tailoring shop nito sa loob ng Kabacan Public Market, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 5:45 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Maliga Mulod alias Kigs, 57-anyos, may asawa, may ari ng Bog’s Tailoring at residente ng Mapanao St., Poblacion ng bayang ito.

Kaso ng nakaw motorsiklo at Vehicular accident sa North Cotabato sa unang quarter ng taon; tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Tumaas ng tatlumpung porsiento ang kaso ng vehicular accident sa kaparehong quarter kung ikukumpara sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.

Ito ang sinabi ni Cotabato Police Provincial Director P/SSupt. Danilo Peralta sa DXVL News kahapon.
Aniya, karamihan sa mga ito ay sangkot sa motorcycle accident.

Pagpapanatili ng kaayusan sa dating conflict- affected area sa Alamada, North Cotabato hiniling

Written By: Rod Rivera Bautista

(Alamada, North Cotabato/ April 11, 2014) ---Hiniling ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan sa mga residente ng Barangay Guiling, Alamada na tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa lugar.

Ginawa ito ng opisyal sa idinaos na Peace and Development Dialogue kamakailan sa nasabing barangay.

Ito ay bilang tugon sa usaping mayroon umanong banta ng panggugulo sa implementasyon ng road project sa kahabaan ng Banisilan- Guiling, Alamada- Libungan National Highway.

Mahigit 2,500 na mga mag-aaral ng USM, magsisipagtapos sa dalawang araw na graduation rites

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2014) --- Hinati sa tatlong cluster ang ginagawang graduation rites ng mga magsisipagtapos na mag-aaral ng University of Southern Mindanao ngayong araw.

Ito ayon kay USM Spokesperson/University Public Relations and Information Office Director Dr. Rommel Tangonan.

Aniya ang cluster 1 ay binubuo ng: Graduate School, CVM at CENCOM kung saan magsisimula ang kanilang baccalaureate program at cluster graduation mamayang ala 1:00 ng hapon sa USM Gymnasium.

Lolo, bangkay na ng matagpuan sa dating terminal ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2014) ---Wala ng buhay ng matagpuan ang isang lolo sa may dating terminal ng na nasa Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:45 kahapon ng hapon.

Sa report ng Kabacan PNP ang bangkay ay nasa edad 60-65 taong gulang.

Hindi pa mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima.

Kauna-unahang Eco-Tourism Summit at Exhibit sa Kidapawan City dinagsa ng mga exhibitor mula sa iba't ibang lugar sa bansa

Written by: Malu Cadeliña Manar

(Kidapawan City/ April 10, 2014) ---Dalawampu’t isang  exhibitor mula sa Kidapawan City, mga bayan sa North Cotabato, at iba pang lugar mula sa Davao City, Cebu City, at Metro Manila ang lumahok sa kauna-unahang Eco-Tourism Summit and Exhibit na ginanap sa Kidapawan City.

Tampok sa exhibit ang mga locally-made organic at herbal products tulad ng Calabash juice na itinuturing na miracle juice; cosmetics; mga damit; organic foliar powder; mga hotels at condominium units na nakabase sa Davao City; at mga tourist destinations ng Kidapawan City, Magpet, at Makilala sa North Cotabato.

Tourist arrival sa Region 12 sa 2014 tinaya sa 1.98 million

(Kidapawan City/ April 10, 2014) ---Abot sa 1.98 million ang inaasahang bilang ng mga turista na dadagsa sa Soccsksargen o Region 12 ngayong 2014.

Ang bilang na ito ay 58 porsiento na higit na mataas kaysa noong 2014, ayon kay Nelly Dillera, ang regional director ng Department of Tourism sa Region 12.

Report ng pag-anib ng MILF sa MNLF di raw totoo – ayon sa isang mataas na opisyal ng MILF

(Kidapawan City/ April 10, 2014) ---Mariing itinanggi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang report na abot sa 4,000 na mga tauhan nila ang sumapi na sa Moro National Liberation Front o MNLF.

Sinabi ni MILF political affairs chief Ghadzali Jaafar na walang basehan ang naging pahayag sa media ng isang Ustadz Pindi na tumatayong chairman ng MNLF sa bayan ng Glan, Sarangani.

Duda si Jaafar na politically-motivated at ‘propaganda’ lamang ng MNLF ang umano pagbubunyag na ginawa ni Pindi.

CPPO, maglalagay ng Police Assistance Center sa mga pangunahing lansangan ng probinsiya ngayong Semana Santa

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Nakalatag na ang seguridad ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO para sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa at buong summer season.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSSupt. Danilo Peralta ang Provincial Director ng CPPO.

Mga lupang nakatiwangtiwang, gagawing produktibo ng DA

(General Santos City/ April 10, 2014) ---Pormal nang inilunsad ng Department of Agriculture ang panibago nitong proyektong development ng mga idle land kamakailan.

Pinangunahan ni Agriculture Secretary Proceso Alcala, Senator Cynthia Villar,  Mindanao Development Authority Secretary Luwalhati Antonino at Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan ang isang ceremonial planting bilang opisyal na pagsisimula ng nabanggit na proyekto sa Rehiyon Dose.

Kampanya kontra Kolurom, pinalalakas ng Kabacan TMU

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Abot sa 87 mga tricykad at 23 mga motorsiklo ang ngayon ay naka-mpound sa Kabacan Municipal compound sa nagpapatuloy na kampanya ng mga otoridad kontra anti-carnapping at anti kolurom sa Kabacan.

Ito ayon kay Traffic Management Unit Head Ret. Col. Antonio Peralta ng LGU Kabacan.
Ang nasabing kampanya ay sinimulan pa nitong nakaraang linggo.

Beautician, sugatan sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2014) ---Isang kasapi ng 3rd Sex o bakla ang panibagong biktima ng pamamaril sa harap ng Marped Lodging House, Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:15 kagabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Gilbert Aradaza na mas kilala sa tawag na Miss Japan, 32, residente ng Purok Miracle, Poblacion ng bayang ito.

Kampanya kontra illegal na sugal at droga, pinaigting ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2014) ---Mas pinaigting ngayon ng mga kapulisan ang kanilang kampanya kontra illegal na sugal sa Kabacan.

Ayon kay PSupt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP isang 20-anyos na dalaga ang kanilang nahuli dahil sa paglabag sa illegal gambling o mas kilala sa tawag na last two.

“Simulan ang Kapayapaan sa Sarili” ---Bb. Pilipinas-Universe MJ Lastimosa

(Amas, Kidapawan City/ April 8, 2014) ---Sa sarili nagsimula ang Kapayaan, ito ang sinabi ni 2014 Bb. Pilipinas-Universe Mary Jean "MJ" Lastimosa sa kanyang mensahe sa mga Cotabateños matapos ang muling pagbalik nito sa lalawigan ng North Cotabato kanina partikular sa Kapitolyo ng probinsiya.

Sa naging pagpupulong binigyang diin ni Lastimosa ang peace process sa Mindanao kung saan ito din umano ang malaking isyu sa kanyang probinsya.
Inihayag ni MJ na matagal na nitong gustong ipaabot sa mga Cotabateños na nag-uumpisa ang kapayapaan sa sarili.

Samantala nagsuot ng kulay pula ang Amas, Kidapawan City, at buong lalawigan ng North Cotabato kasabay ng pagdating ni 2014 Bb.Pilipinas-Universe Mary Jean "MJ" Lastimosa sakay ng chopper plane pasado alas-10:00 kahapon ng umaga.

Brownout sa North Cotabato posibleng humaba pa ng anim na oras kada araw ngayong summer – ayon sa Cotelco

(Kidapawan city/ April 7, 2014) ---Posibleng humaba pa ng anim na oras ang brownout na nararanasan sa Kidapawan City at iba pang bahagi ng North Cotabato ngayong papatindi na ang tagtuyot.

Ito ang naging pagtaya ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco.   

3 suspek sa nakaw motorsiklo, arestado; 1 dito nahulihan ng granada sa Aleosan, Ncot

(Aleosan, North Cotabato/ April 7, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang tatlong mga carnapper makaraang mahuli ng mga otoridad sa bisinidad ng provincial road, partikular sa balay Mindanao, brgy. San Mateo, Aleosan, North Cotabato alas 8:40 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ni PSI Zean Paul Cubil, hepe ng Aleosan PNP ang mga naaresto na sina Nonoki Cuta Luay, 25, may asawa at residente ng Batulawan, Pikit, Cotabato; Habel Luay, 23 at Abubakar Pandian, nasa tamang edad at kapwa residente ng nasabing lugar.

Mahigit kumulang sa 50 mga trisicab at tricycle, naka-impound sa Kabacan PNP sa isinagawang operasyon kontra kolurom

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2014) ---Abot sa 45 mga tricycle at tricycab ang ngayon ay naka-impound sa Kabacan PNP sa isinagawang operasyon kontra kolurom nitong Biyernes.

Ayon sa Kabacan PNP Traffic Division nahuli ang nasabing mga sasakyan dahil sa iba’t-ibang paglabag sa batas trapiko.

OSA Director, ipinaliwag ang deadline ng pagsumite ng CHED Scholarship

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2014) ---Sinabi ni University of Southern Mindanao Office of the Student Director Dr. Nicolas Turnos na hanggang sa Abril a-15 na lamang ang huling palugit para sa pagsumite sa CHED Scholarship program.

Pero sinabi ng opisyal sa mga gustong mag-avail ng programa na huwag ng hintayin pa ang deadline bago mag sumite.

Nito pang April 1 ay nag-submit na ang OSA sa Regional Office 12 ng CHED ng ilangmga papeles ng mga aspiring scholars.

Pagtanggal ng DPAF, ilang mga konstruksiyon, maaantala -DPWH Cotabato 1st Engineering District

(Kidapawan City/ April 7, 2014) ---Posibleng mahinto ang abot sa 74 na mga proyekto ng DPWH Cotabato 1st Engineering District.

Ito ang ibinunyag ni DPWH 1st Engineering District, Construction Section Chief Engr. Ernesto Camposano matapos tanggalin ang pork barrel ng mga kongresista.

Missing na drayber, patay na ng matagpuan sa Maguindanao

(Datu Montawal, Maguindanao/ April 7, 2014) ---Patay na ng matagpuan ang drayber na ilang araw na ring missing sa bahagi ng Datu Montawal, Maguindanao alas 4:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Jorge Abancenia, 37-taong gulang at residente ng Malapag, Carmen, North Cotabato.

19-anyos na lalaki, panibagong biktima ng pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ April 7, 2014) ---PATAY ANG ISANG DISE NUEBE ANYOS NA LALAKI MATAPOS NA BARILIN NG DI PA NAKILALANG SUSPEK SA PLARIDEL STREET BARANGAY POBLACION KIDAPAWAN CITY BANDA ALAS DOSE TRANTAY SINGKO NG HAPON NOONG SABADO.

KINILALA ANG BIKTIMA NA SI MARLON CAIN CACAYAN, RESIDENTE NG RIZAL STREET KIDAPAWAN CITY.

Titser, tinamaan ng kidlat!

(Maguindanao/ April 6, 2014) ---Isinugod sa Kabacan Medical Specialist ang isang guro makaraang tamaan ng kidlat sa bahagi ng Pagagawan, Maguindanao alas 5:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Nelicano Dansao, 45-anyos, may asawa at residente ng Plang Village, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Notoryos carnapper/ robbery hold upper, timbog ng mga otoridad sa Kabacan!

(Kabacan, North Cotabato/ April 5, 2014) ---Matapos na maaresto ang isang notoryos na carnapper at lider ng robbery hold-up nitong Marso a-14 sa bayan ng Kabacan ay isinilbi na sa kanya ang Warrant of Arrest alas 9:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ang suspek na si Kadil Sultan Dandang na nahuli ng mga otoridad dahil sa pagdadala ng armas na may paglabag sa illegal possession of firearms sa highway check sa may bahagi ng brgy. Osias, Kabacan, Cotabato.

Bb. Pilipinas-Universe 2014 MJ Lastimosa muling babalik sa Cotabato

Written by: Jimmy Sta. Cruz

AMAS, Kidapawan City (Apr. 5) – Sa kauna-unahang pagkakataon matapos  makoronahan bilang Bb/ Pilipinas-Universe 2014 noong Marso 30  , 2014, babalik muli sa lalawigan ng Cotabato si Mary Jean MJ Lastimosa sa April 8, araw ng Martes.

Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, ito ay patunay ng commitment at pasasalamat ni MJ sa suporta na ibinigay sa kanya ng Provincial Government of Cotabato at sa mga mamama yan ng lalawigan.

Lalaki, sugatan sa shooting incident sa Carmen, NCot!

(Carmen, North Cotabato/ April 5, 2014) ---Sugatan ang isang Mohammad Mamalumpong Unayan, residente ng Sitio Galay, Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Kabasalan, brgy. Kibayao ng nasabing bayan.

Ayon sa report ng Carmen PNP sakay ang biktima sa kanyang kulay putting MCX motorcycle ng mangyari ang insedente alas 6:50 kamakalawa ng gabi.

Grants and Donations ng VM at konsehal sa Kidapawan City; tanggal na!

(Kidapawan city/ April 5, 2014) ---Tanggal na ang grants and donations ng Vice-Mayor at mga konsehal sa Kidapawan City.      

Ito ay matapos aprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan ang resolusyon na ipinasa ni Kidapawan City councilor Lauro Taynan, ang chair ng SP Committee on Finance and Appropriations.