(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014)
---Tumaas ng tatlumpung porsiento ang kaso ng vehicular accident sa kaparehong
quarter kung ikukumpara sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.
Ito ang sinabi ni Cotabato Police Provincial
Director P/SSupt. Danilo Peralta sa DXVL News kahapon.
Aniya, karamihan sa mga ito ay sangkot sa
motorcycle accident.
Kaya payo nito sa mga motorista, na sundin
ang batas trapiko upang maiwasan ang aksidente sa daan.
Maliban dito sinabi ni Peralta na tumaas din
ang kaso ng nakaw motorsiklo nitong nagdaang buwan.
Ito dahil aniya sa pagdami na rin ng mga
motorsiklo sa daan.
Aminado ang opisyal na kapag tumaas ang
sales ng motorsiklo ay malaki ang posibilidad na tumaas ang bilang ng nakawan
ng motorsiklo kasama na ang aksidente sa daan.
Samantala maliban sa nabanggit, bumaba naman
ang kaso ng murder, robbery, homicide at ilan pang kahalintulad na krimen kung
ihahambing naman ang datus nito sa nakaraang taon at kaparehong buwan.
Tiniyak naman ni Director Peralta ang
publiko na magtuloy-tuloy ang serbisyo ng kapulisan para sa mamamayan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento