Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OSA Director, ipinaliwag ang deadline ng pagsumite ng CHED Scholarship

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2014) ---Sinabi ni University of Southern Mindanao Office of the Student Director Dr. Nicolas Turnos na hanggang sa Abril a-15 na lamang ang huling palugit para sa pagsumite sa CHED Scholarship program.

Pero sinabi ng opisyal sa mga gustong mag-avail ng programa na huwag ng hintayin pa ang deadline bago mag sumite.

Nito pang April 1 ay nag-submit na ang OSA sa Regional Office 12 ng CHED ng ilangmga papeles ng mga aspiring scholars.

Kabilang sa mga scholarship na maaring ma-i-avail ngayon ay ang 4P’s Scholars kungsaan may 214 grantees ang USM, ayon kay Dr. Nicolas.

Bukod dito, mayroon ding Student Financial Assistance Program, full at partial scholar ang maaring makuha batay naman sa GPA ng mga estudyante.

Dagdag pa ng OSA director na may Tulong Dunong at Study Now Pay later program ang CHED na pwede ring ma-avail ng mga USM students at mga aspiring Freshmen students.

Kailangan lamang na mag fill-up ng application form, magsumite ng picture at Income Tax Return o ITR.

Abot naman sa P30,000.00 ang maaring financial assistance ang maibibigay ng CHED kada semester.

Kabilang sa mga kursong pwedeng kunin ay ang Agricultural Related courses, Agri Business, Education at iba pa.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring pumunta sa Office of the Student Affairs at hanapin si OSA Director Dr. Nicolas turnos.


Sa CHED Regional Office 12 naman maaring i-contack si CHED Scholarship Program Coordinator Jocelyn Santos Celdiz sa 09183908382. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento