Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Malaking buwaya, nahuli ng mga mangingisda

Photo by: Hernand Dapudong, NDRRMC North Cot
(Mlang, North Cotabato/ April 13, 2014) ---Isang malaking buwaya ang nalambat ng mga mangingisda sa Liguasan Marsh sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao alas 4:00 kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat ang NDRRMC North Cotabato ang nasabing buwaya ay may habang walong talampakan at mahigit 100 kilo ang timbang na nahuli ng mga mangingisda sa Barangay Dungguan, M'lang, North Cotabato.


Agad namang tinurn-over ni M'lang Mayor Lito Piñol ang malaking buwaya sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Bago ito, marami na ring mga residente na nasa gilid ng Liguasan Marsh, Rio Grande de Mindanao at Pulangi river ang nakakita na ng malalaking buwaya sa Marsh area ng North Cotabato at Maguindanao. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento