Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga otoridad blanko pa sa motibo sa pagbaril patay sa isang mananahi sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2014) ---Blanko pa ang Kabacan PNP sa kung anu ang motibo sa panibagong insedente ng pamamaril sa loob ng Kabacan Public Market, Poblacion, Kabacan pasado alas 5:00 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Maliga Mulod alias Kigs, 57-anyos, may asawa, may ari ng Bog’s Tailoring at residente ng Mapanao St., Poblacion ng bayang ito.


Nasa loob ng kanyang tailoring shop ang biktima ng barilin ng suspek sa dibdin gamit ang kalibre .45 na baril.

Patay on the spot si Mulod.

Ayon sa mga naka-saksi, agad tumakas ang suspek papunta ng Magatos Terminal matapos ang insedente.

Samantala, patuloy na nagpapagaling ngayon sa Davao Medical Center si Gilbert Aradaza o mas kilala sa tawag na Miss Japan matapos pagbabarilin sa ulo kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report, nakitang may malaking sugat sa kanyang ulo batay sa isinagawang CT Scan.

Sa ngayon ay nakaramdam na rin ng kirot ang biktima.

Matatandaang binaril ang biktima sa harap ng kanyang lodging house na tinutuluyan na nasa Aglipay St noong Lunes ng gabi.


Nangangalap na rin ng tulong ang mga kasamahan at kaibigan nito para sa pagpapa-ospital sa biktima. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento