By: Rod Rivera Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ April 10, 2014)
---Inihayag ng pamunuan ng Commission on Higher Education o CHED Regional
Office XII na isasailalim sa masusing screening process ang lahat ng mga nagsumite
ng aplikasyon sa Student Financial Assistance Program o STUFAP Tulong- Dunong.
Nabatid na libu- libo na ang nakapagsumite
ng aplikasyon kabilang na dito ang mga walk –in applicants and endorsed
applicants mula sa iba’t- ibang congressional districts sa Region 12.
Ngunit binigyang- diin ni CHED XII Regional
Director Maximo Aljibe na ang lahat ng dokumentong isinumite ng mga aplikante
ay isasailalim pa rin sa screening and ranking process.
Maglalabas din umano ng opisyal na listahan
ng mga pumasa sa iba’t- ibang congressional districts sa buong Region 12.
Sisikapin naman umano nilang mailabas ang
resulta ng screening and ranking process sa ikatlong linggo ng Mayo bago ang
enrolment period.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento