Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit kumulang sa 50 mga trisicab at tricycle, naka-impound sa Kabacan PNP sa isinagawang operasyon kontra kolurom

(Kabacan, North Cotabato/ April 7, 2014) ---Abot sa 45 mga tricycle at tricycab ang ngayon ay naka-impound sa Kabacan PNP sa isinagawang operasyon kontra kolurom nitong Biyernes.

Ayon sa Kabacan PNP Traffic Division nahuli ang nasabing mga sasakyan dahil sa iba’t-ibang paglabag sa batas trapiko.

Kabilang na dito ang kawalan ng kaukulang permit sa pagmamaneho kasama na dito ang walang driver’s license, expired ang OR/CR at ang pagiging kolurom ng sasakyan.

Isinagawa ang operasyon kontra kolurom sa mga pangunahing lansangan ng Kabacan at magpapatuloy ito, ayon kay Kabacan Trffic Management Unit Head Ret. Col Antonio Peralta.

Ang nasabing hakbang ay bahagi na rin ng pagsawata ng mga nagmamanehong hindi residente ng Kabacan at maiwasan ang mga krimen na minsan ay kinasasangkutan ng ilang mga riding tandem.

Una dito sinabi naman, ni Franchising Regulatory Head Joel Martin na hanggang sa Katapusan na lamang ng Abril ang palugit naman sa mga tricycle drivers at operators na hindi pa nakakuha ng kanilang prangkisa at ang pagpipinta ng kulay kahel. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento