Written
By: Rod Rivera Bautista
(Alamada,
North Cotabato/ April 11, 2014) ---Hiniling ni North Cotabato First District
Rep. Jesus Sacdalan sa mga residente ng Barangay Guiling, Alamada na tumulong
sa pagpapanatili ng kaayusan sa lugar.
Ginawa
ito ng opisyal sa idinaos na Peace and Development Dialogue kamakailan sa
nasabing barangay.
Ito
ay bilang tugon sa usaping mayroon umanong banta ng panggugulo sa
implementasyon ng road project sa kahabaan ng Banisilan- Guiling, Alamada-
Libungan National Highway.
Kasama
sa natukoy na dayalogo ang mga kinatawan ng military at lokal na pamahalaan ng
Alamada.
Binigyang-
diin din ni Rep. Sacdalan na ang pagsasaayos ng nasabing national highway ay
bahagi ng pagpapakita ng gobyerno na seryoso ito sa pagsusulong ng kapayapaan
at kaunlaran lalo na at nalagdaan na ang Comprehensive Agreement on the
Bangsmoro.
Kaugnay
nito ay tiniyak naman ni Guiling Barangay Chairperson Ali Egal na sisikapin
nilang mapanatili ang kaayusan sa lugar upang mapabilis at masigurong tuloy
–tuloy ang trabaho ng nag-papatupad ng proyekto.
Kung
matatandaan, ang Barangay Guiling ay isa sa mga lugar na naapektuhan ng
kaguluhan sa bahaging ito ng Unang Distrito ng North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento