Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grants and Donations ng VM at konsehal sa Kidapawan City; tanggal na!

(Kidapawan city/ April 5, 2014) ---Tanggal na ang grants and donations ng Vice-Mayor at mga konsehal sa Kidapawan City.      

Ito ay matapos aprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan ang resolusyon na ipinasa ni Kidapawan City councilor Lauro Taynan, ang chair ng SP Committee on Finance and Appropriations.


Sa ilalim ng SP Resolution Number 14-031, tatanggalin na sa opisina ng Vice-Mayor at ng mga konsehal ang Kanilang grants and donations.  Kada miyembro ng SP ay tumatanggap ng isang milyong pisong grants and donations sa kada taon.

Dahil abolished na ang grant and donations, deretso na sa Office of the City Mayor ang mga solicitation na manggagaling sa mga nasasakupan ng mga konsehal.

Sa ilalim ng Grants and Donations kukunin ang emergency health assistance at hospitalization na abot sa P1,000 at P500 para sa gamot sa kada pasyente.

Dito rin kukunin ang para sa death at burial assistance na hindi bababa sa P2,500 kada mahirap na pamilya’ng namatayan.

Naniniwala si Taynan at ang SP na sa pamamagitan ng One Fund Policy ay maiiwasan na ang korupsyon sa konseho at maigugugol na nila ang kanilang panahon sa pagpapasa ng mga batas, resolution, at iba pang mga legislative measures. Malu Cadeliña Manar


0 comments:

Mag-post ng isang Komento