(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 11,
2014) --- Hinati sa tatlong cluster ang ginagawang graduation rites ng mga
magsisipagtapos na mag-aaral ng University of Southern Mindanao ngayong araw.
Ito ayon kay USM Spokesperson/University
Public Relations and Information Office Director Dr. Rommel Tangonan.
Aniya ang cluster 1 ay binubuo ng: Graduate
School, CVM at CENCOM kung saan magsisimula ang kanilang baccalaureate program
at cluster graduation mamayang ala 1:00 ng hapon sa USM Gymnasium.
Magiging baccalaureate speaker dito si Rev.
Blenn Nimer, ang Founding Pastor ng 26:8 Generation.
Maglalagay din ng hood sa mga gagraduate
para lamang ito sa cluster 1 na mag magsisispagtapos.
Samantala, nagsimula naman kaninang alas
5:00 ng umaga ang baccalaureate program at graduation para sa cluster 2 at 3 sa
USM Gymanasium.
Ang cluster II ay binubuo ito ng mga estudyante
ng: CAS, CED, CHEFS at CHS.
Magiging tagapagsalita naman dito si Rev.
Nathaniel Silao ang Administrative pastor ng UCCP, Kabacan, Cotabato.
Cluster III CA, CBDEM, IMEAS at DTI.
Si Rev. Diosdado Corpuz, Youth Minister,
Church of Christ San Felipe, Tantangan, South Cotabato ang magiging
tagapagsalita sa kanilang Baccalaureate program.
Samantala, sa mahigit 2,500 na mga
magsisipagtapos nangunguna sa kanila si Vargas, Melissa Gabrielle Hernan na may
GPA na 1.385 na itinanghal na Magna Cum Laude.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento