Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tourist arrival sa Region 12 sa 2014 tinaya sa 1.98 million

(Kidapawan City/ April 10, 2014) ---Abot sa 1.98 million ang inaasahang bilang ng mga turista na dadagsa sa Soccsksargen o Region 12 ngayong 2014.

Ang bilang na ito ay 58 porsiento na higit na mataas kaysa noong 2014, ayon kay Nelly Dillera, ang regional director ng Department of Tourism sa Region 12.


Kumpiyansa si Dillera na maaabot nila ang target na ito dahil na rin sa pinaigting na tourism campaigns at mga ‘selling missions’ na sinimulan nila nito’ng unang quarter ng taon.

Katunayan, isinusulong ng DoT 12 na maging ‘12th paradise’ ang Region 12 – kung saan 12 mga experiences ang puwede’ng ihandog ng rehiyon sa mga turista.

Kabilang na rito ang ‘float in paradise’ na tampok ang canoeing, whale watching, kayaking, at swimming across-the-bay sa Sarangani.

Nariyan din ang tinatawag na, “Shower in Paradise’, na kinabibilangan ng Kansal Falls at Mawig Falls sa Kidapawan City; 7 falls sa Lake Sebu; Tawsuvan Falls sa Magpet; at Sang’ngawan Falls sa Makilala. Tampok naman sa ‘DIP IN PARADISE’ ang Gumasa Beach sa Sarangani; Mountain Spring Resorts at Lake Venado sa Kidapawan City; Poral Beach sa Kalamansig, Sultan Kudarat, at iba pa.

Tampok din sa DANCE IN PARADISE ang Halad Sto Nino sa Midsayap; Tnalak Festival sa South Cotabato; Kalivungan Festival sa North Cotabato; Tuna Festival sa GenSan; Talakudong Festival sa Tacurong City; at iba pa.


Iba pang mga tourist destinations at experiences ang ‘MARVEL IN PARADISE’ na kinabibilangan ng Munato Jars at Caves sa Maitum, Sarangani; Sultan Hassanal Bolkiah Masjid at Tamontaka Church sa Cotabato City; Fort Pikit sa Pikit, North Cotabato; 17 Martyr Shrine sa Koronadal City, at marami pang iba. Malu Cadeliña Manar/DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento