Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

CPPO, maglalagay ng Police Assistance Center sa mga pangunahing lansangan ng probinsiya ngayong Semana Santa

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Nakalatag na ang seguridad ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO para sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa at buong summer season.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSSupt. Danilo Peralta ang Provincial Director ng CPPO.


Aniya, maglalagay sila ng mga Police Assistance Center sa mga pangunahing lansangan ng Probinsiya kagaya ng Cotabato-Davao route at Makilala-Datu Paglas route, para sa mga bakusyunista.

Maliban dito, pinaalalahanan din ni Peralta ang publiko na doblehin at tiyaking nakakandado ang bahay bago umalis para di mabigyan ng pagkakataon ang mga masasamang loob na makapasok.

Samantala, pinuri din ng opisyal ang kapulisan sa Kabacan sa pamumuno ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP dahil sa pagbaba ng kaso ng kriminalidad.


Aniya, dahil sa tulong ng Pamahalaang Lokal at ng publiko at itong ginagawang visibility patrol ng kapulisan kasama ang volunteer at ang regular surprise inspection sa mga kolurom ay malaking tulong upang mapababa ang kriminalidad sa bayan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento