(Amas, Kidapawan City/ April 8, 2014) ---Sa
sarili nagsimula ang Kapayaan, ito ang sinabi ni 2014 Bb. Pilipinas-Universe
Mary Jean "MJ" Lastimosa sa kanyang mensahe sa mga Cotabateños
matapos ang muling pagbalik nito sa lalawigan ng North Cotabato kanina
partikular sa Kapitolyo ng probinsiya.
Sa naging pagpupulong binigyang diin ni
Lastimosa ang peace process sa Mindanao kung saan ito din umano ang malaking
isyu sa kanyang probinsya.
Inihayag ni MJ na matagal na nitong gustong
ipaabot sa mga Cotabateños na nag-uumpisa ang kapayapaan sa sarili.
Samantala nagsuot ng kulay pula ang Amas,
Kidapawan City, at buong lalawigan ng North Cotabato kasabay ng pagdating ni
2014 Bb.Pilipinas-Universe Mary Jean "MJ" Lastimosa sakay ng chopper plane
pasado alas-10:00 kahapon ng umaga.
Ito ay upang ipakita ng mga Cotabataños ang
kanilang suporta, kasiyahan, pag-welcome at pagiging proud sa 26-year-old
beauty queen.
Ayon sa dalaga na umpisa noong nag-apply pa
lamang ito sa Binibining Pilipinas-Universe palagi na nitong sinasabi na gusto
nitong maging inspirasyon sa kanyang probinsya lalo na sa mga kabataan dahil
madami ang natatakot na abutin ang kanilang mga pangarap.
At kahit anong hirap umano sa North Cotabato
gusto niyang maging inspirasyon sa mga residente.
Si Lastimosa ang dumating kahapon sa North
Cotabato sa pinakaunang pagkakataon matapos makoronahan bilang 2014
Bb.Pilipinas-Universe.
Pinasalamatan din ng dalaga ang todo suporta
sa kanya ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Taliño Mendoza na itinuturi nitong
pangalawang ina.
Maging si Tulunan North Cotabato Mayor Lani
Candolada ang nagpahayag ng lubos na kagalakan sa tagumpay ni 2014
Bb.Pilipinas-Universe Mary Jean "MJ" Lastimosa.
Ayon kay Mayor Candolada na ikinatuwa nito
ang nakamit na karangalan ng kanilang bayan at nakilala ito sa National level
sa pamamagitan MJ.
Napag-alaman na Lastimosa ang naging Mutya
din ng kanyang alma mater na Tulunan National High School at nagin Mutya din
ito ng Tulunan.
Samantala, inihayag ng nasabing alkalde na
isang simple,mapagpakumbaba at hardworking ang pamilya ng beauty queen. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento