(Kidapawan City/ April 10, 2014) ---Mariing
itinanggi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang report na abot sa 4,000
na mga tauhan nila ang sumapi na sa Moro National Liberation Front o MNLF.
Sinabi ni MILF political affairs chief
Ghadzali Jaafar na walang basehan ang naging pahayag sa media ng isang Ustadz
Pindi na tumatayong chairman ng MNLF sa bayan ng Glan, Sarangani.
Duda si Jaafar na politically-motivated at
‘propaganda’ lamang ng MNLF ang umano pagbubunyag na ginawa ni Pindi.
Si Pindi na nakapanayam ng isang writer ng
Manila Times ay nagsabi na apat na mga commander ng MILF ang sumapi na sa
kanilang grupo, kasama ng kanilang mga tauhan, dahil tutol raw ang mga ito na
isuko sa gubyerno ang kanilang mga armas na umano isang kondisyon na nakapaloob
sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro na pinirmahan noong March 27 sa
Malakanyang.
Pero itinanggi ito ni Jaafar at sinabi’ng
ang kanilang mga commanders ay ‘intact’ at wala ni isa man ang kumalas na o
nagbabalak na tumiwalag sa kanilang organisasyon dahil sa pagkakapirma ng Annex
on the Normalization na isa sa apat na mga annexes ng .
Sinabi ni Jaafar na nakatakdang sulatan ng
MILF ang editorial board ng Manila Times at ang sumulat ng report para
papagpaliwanagin kung bakit hindi kinuha ng manunulat ang kanilang panig.
Para kay Jaafar, biased at may mga paglabag
sa ethics in journalism ang isinulat ng writer ng Manila Times.
Tumanggi muna si Jaafar na sagutin ang
tanong kung may balak ang kanilang grupo magsampa ng libel kontra sa Manila
Times.
Pag-uusapan muna raw ito ng central
committee bago gawin ang naturang hakbang. Malu
Cadeliña Manar/DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento