(Maguindanao/ April 6, 2014) ---Isinugod sa
Kabacan Medical Specialist ang isang guro makaraang tamaan ng kidlat sa bahagi
ng Pagagawan, Maguindanao alas 5:30 kahapon ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Nelicano Dansao,
45-anyos, may asawa at residente ng Plang Village, Poblacion, Kabacan,
Cotabato.
Inaalam na ngayon ng mga doktor kung ilang burn
degree ang natamo ng biktima habang patuloy na nagpapagaling sa nasabing bahay
pagamutan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento