Written by: Malu Cadeliña Manar
(Kidapawan City/ April 10, 2014) ---Dalawampu’t
isang exhibitor mula sa Kidapawan City,
mga bayan sa North Cotabato, at iba pang lugar mula sa Davao City, Cebu City,
at Metro Manila ang lumahok sa kauna-unahang Eco-Tourism Summit and Exhibit na
ginanap sa Kidapawan City.
Tampok sa exhibit ang mga locally-made
organic at herbal products tulad ng Calabash juice na itinuturing na miracle
juice; cosmetics; mga damit; organic foliar powder; mga hotels at condominium
units na nakabase sa Davao City; at mga tourist destinations ng Kidapawan City,
Magpet, at Makilala sa North Cotabato.
Sinabi ni Kidapawan City Mayor Joseph
Evangelista na ang eco-tourism summit ang siya’ng kickoff point para sa Mount
Apo Summer Climb na sisimulan din ngayong linggo.
Ipinagmamalaki ng lungsod ang naggagandahang
highland spring at waterfalls; iba’t ibang klase ng mga ibon at mga tanim na
endemic sa bundok; at ang mga climbers’ trails paakyat ng tuktok ng bundok --
gamit ang ruta mula sa Kidapawan City.
Sinabi ni Evangelista na kabilang ang
tourism development sa pinaglalaanan ng pondo ng kanyang administrasyon upang
mapalakas ang turismo at umunlad ang ekonomiya ng lungsod.
Maging si DOT-12 Regional Director Nelly
Dillera nangako ng tulong sa City LGU para mailagay sa destinasyon ng mga lokal
at dayuhang turista ang Kidapawan City at iba pang lugar sa Region 12 bilang,
“12th paradise” ng bansa.
Nais ni Evangelista na sa pamamagitan ng
pinalawak at pinalakas na tourism campaign kapwa ng DOT at ng mga LGU sa Region
12 mababago ang impresyon ng publiko tungkol sa Mindanao. Malu Cadeliña
Manar/DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento