Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mananahi, pinabulagta!

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Pinabulagta ng isang gunmen assassin ang isang pananahi sa mismong tailoring shop nito sa loob ng Kabacan Public Market, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 5:45 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Maliga Mulod alias Kigs, 57-anyos, may asawa, may ari ng Bog’s Tailoring at residente ng Mapanao St., Poblacion ng bayang ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulisiya, nag-iisa lamang ang biktima sa loob ng kanyang tailoring shop ng barilin ito ng salarin na nakasuot ng kulay dark green na jacket na may hood, head gear at zero short pant gamit ang kalibre .45 na pistol.

Patay on the spot ang biktima ng barilin sa dibdib.

Ayon sa mga naka-saksi, agad tumakas ang suspek papunta ng Magatos Terminal matapos ang insedente.

Nagsagawa na ngayon ng dragnet operation ang pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Kabacan PNP at militar para tugisin ang suspek at mapanagot sa batas.

Agad namang kinuha ng mga pamilya ng biktima ang suspek para mailibing sa tradisyon ng mga Muslim.

Posibleng may kinalaman sa droga ang nasabing insedente habang nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon.


Ito na ang ikalawang kaso ng pamamaril sa bayan, ang una ay isang beautician na pinagbabaril din sa harap ng kanyang tinutuluyang boarding house. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento