(Arakan, North Cotabato/ April 12, 2014) ---Iba’t-ibang
programang pang-kaunlaran ang ipinagkaloob ng pamunuan ng 57th Infantry
Battalion, Philippine Army sa may Barangay Ladayon, Arakan, North Cotabato.
Ang programa ay pinangunahan ni 57th IB
Commander Lt. Col. Nilo Vinluan para sa isinasagawa nilang Peace and
Development Outreach Program.
Sa nasabing programa, aalamin ng mga sundalo
ang hinaing, problema at maging ang nais na proyektong pangkabuhayan ng mga residente
doon.
Ipinapaliwanag din sa kanila ang kahalagahan
ng kapayapaan at katahimikan sa lugar para umunlad ang isang komunidad.
Bagama’t may ilang mga malalaking
kapitalista na nais pumasok sa lugar, upang maglagak ng puhunan, wala namang
pinoprotektahang grupo o kompanya ang tropa ng Pamahalaan.
Iginiit pa ng opisyal na sa katunayan,
kinakatigan pa nga ng mga residente sa lugar ang kanilang adhikain na
panatilihin ang kaayusan sa bayan ng Arakan at sa lahat ng sakop ng 57th
IB. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento