Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan) na programa ng gobyerno nakatutok sa mga conflict affected areas ng bansa

Kinatigan ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang ipapatupad na programa ng pamahalaang national na PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan) na naglalayong palakasin pa ang peace-building at reconstruction ng mga conflict affected areas sa bansa.

Ito ay matapos na mailahad ng pamunuan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPPAP ang mithiin ng  nasabing programa.

Sa isang punong pambalitaan kahapon sa Amas Provincial Capitol, tinukoy ni OPPAP Official Development assistance Support Officer Carmel Pami-Ulanday na dapa tutukan muna ang ugat ng pinagmulan ng kaguluhan bago magbibigay ng tulong assistance.

Para dito sa North Cotabato ang Pamana ay ipapatupad sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga IDP’s Core Shelter program.

May pondong ilalaan ang gobyerno para dito at ang magiging implementing agency ay ang DSWD.

Suportado naman ni DSWD Regional Director Bai Zorahayda Taha ang programa kungsaan ang kanilang ahensiya ang magdedetermina sa mga apektadong lugar.

Ang mga IDPs na matutulungan ay mula lamang sa mga data ng taong 2008 at hindi pa dito kasali ang kasalukuyang taon, kaya naman base sa kanilang data 2 dito ang mula sa bayan ng Pigcawayan na may 551 na pamilya at 2 rin sa bayan ng Midsayap na may 363 na mga pamilya.

Lahat ng mga benefiaciaries na natukoy ay sasailalim pa rin sa masusing pagsisiyasat.

Posibleng ring mapabilang ang bayan ng aleosan sa mga lugar na mabibigyan ng financial assistance.

Apat katao tiklo sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad laban sa paggamit ng illegal na droga

Kulungan ang bagsak ng tatlo katao matapos na maaktuhang nagpa-pot session ng pinaniniwalaang illegal na droga sa isang bahay sa USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato noong hapon ng Miyerkules.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga suspetsado na sina Billy Soriarosos, 42-taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Kinodal, Matalam, Jovencio Siena, 42, may asawa, magsasaka at residente ng brgy. Dagupan at ang isa pa na kasama nila na nakilalang si Joel Magnaye, 47, may asawa at reesidente ng USM Avenue, Poblacion.

Nakuha mula sa mga ito, ang apat na piraso ng disposable lighter, isang piraso ng shaver, 1 piraso ng gunting, isang cutter blade at ilang mga piraso ng used small plastic sachet na pinaniniwalaang shabu at ilang mga piraso ng aluminum foil.

Narekober mula kay Billy Soriarosos ang perang nagkakahalaga ng P14,000 habang P10,000 naman mula kay Jovencio.

Samantala, kulungan din ang bagsak ni Antonio Santiago Guillermo, 33, may asawa, magsasaka at residente ng Purok Mabuhay ng brgy. Kilagasan matapos na mahulihan ito ng mga illegal drug paraphernalia.

Nahuli ang suspek sa Corner Mantawil St. at Lapu-Lapu St. Poblacion, Kabacan.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang mga ito para sa tamang disposasyon  habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito. (RB ng Bayan)


Bangkay ng tao natagpuan sa isang ilog sa Kabacan, Cotabato

Nakilala na ng kanyang kamag-anak ang bangkay na natagpuan noong Miyerkules ng umaga sa Salapungan river, Kabacan, Cotabato.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan PNP, kinilala ng kanyang mga kamag-anak ang bangkay na natagpuan sa nabanggit na ilog na si Ibrahim “Lili” Bansilan, 16, Out of School Youth at residente ng Bai Matabai, Plang Village II , Poblacion ng bayang ito.

Natagpuan ng mga magsasaka ang bangkay na katawan ni Bansilan ng magpapaligo sana sila ng kanilang alagang kalabaw sa Salapungan river.

Agad namang inireport ng mga nakakitang mga residente sa kanilang brgy. Kapitan ang palutang lutang na katawan ng tao sa nasabing ilog at mabilis namang ipinarating ito sa pulisya.

Lumalabas sa imbestigasyon na nalunod umano ito sa Aringay river at natangay ng malakas na agos ng tubig ang bangkay nito sa Salapungan River.


Bus bumaliktad sa Kabacan, North Cotabato

 
Sugatan ang isang principal ng Lumayong High School sa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato matapos na aksidenteng mabangga ng rumaragasang Rural Bus ang isang multicab dakong alas 6:45 kaninang umaga.

Sa report na nakalap ng DXVL Radyo ng Bayan, napag-alamang binabaybay ng Rural Transit Bus na may body # 2934 at may plate number KVR 399 ang kahabaan ng National highway at pagsapit sa nabanggit na lugar bigla na lamang tumawid ang multicab sa kahabaan ng highway dahilan kung bakit nabangga ito ng nasabing bus.

Kinilala ang sugatang principal na si Akmad Kadingilan kasama ang misis nito na nagmamaneho ng multicab.

Dahil sa lakas ng impact wasak ang harapan ng multicab na may plate # LFR 185.

Habang tumilapon naman ang bus sa gilid ng kalsada ang rural bus na may lulang 30 katao.

Walang namang may naiulat na namatay habang mabilis namang isinugod ang mga sugatan sa pinakamalapit na ospital sa bayan ng Kabacan.(RB)


Pagsasaayos ng mga infrastructure projects sa bayan ng Kabacan, nagpapatuloy; iba pang mga proyekto, inilatag ng MPDC

Tatapusin ng Local Government Unit ng Kabacan ang mga nasimulan ng pagsasaayos ng mga drainage canal sa USM Avenue at Bonifacio Street ayon sa Municipal Planning and Development Center o MPDC.

Sa kasalukuyan ay sinisimulan naman ng LGU ang pagsesemento sa mga daanan sa Kabacan Terminal Complex sa Barangay Kayaga at ang konstruksiyon nito.

Liban sa mga proyektong ito na pinopondohan ng Kabacan LGU, ayon sa mga municipal planning and development officers na mayroon pa umanong mga proyektong pang-imprastraktura ang malapit nang simulan.

Isa na umano rito ang konstruksiyon ng mga solar dryer na may kasamang warehouse na ihahandog sa walong mga napiling barangay ng Kabacan. Ang mga barangay na ito ay ang mga sumusunod: Katidtuan, Kayaga, Kilagasan, Malamote, Bannawag, Malanduage, Salapungan at Sanggadong.

Popondohan umano ng World Bank, Department of Agriculture, at ng LGU sa pamamagitan ng MRDP- APL2-RI o ang tinatawag na Mindanao Rural Development Program- Adoptable Loan Round 2 para sa Rural Infrastructure.

Mayroon din umanong mga proyekto ang Kabacan sa pakikipagtulungan ng lalawigan ng North Cotabato. Ang buwan ng Marso umano ay nakalaan para tapusin ang gravelling at maintenance ng farm to market roads at provincial roads sa nasabing bayan.

Ani ng MPDC, kung matatapos umano ang proyektong ito na hindi pa naaabot ang deadline sa huling araw ng Marso ay pasisimulan nila ang pagsasaayos naman ng mga municipal at barangay roads. 


Kabacan LGU magsasagawa ng Bomb Threat Awareness Seminar ngayong araw

Upang mapaigting ang security measures ng Local Governement Unit ng Kabacan, isasagawa ngayong araw ang isang bomb threat awareness seminar lecture sa Municipal training hall.

Pangunahing partisipante ng seminar na ito ay ang mga empleyado ng Kabacan LGU.

Pangungunahan ni Police Superintendent Joseph Semillano ang nasabiong seminar na magsisimula alas dos hanggang ala-singko ng hapon.

Layon din ng nasabing symposium na maiwasan ang mga nakaambang masasamang plano ng mga makakaliwang grupo sa bayan.