PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan) na programa ng gobyerno nakatutok sa mga conflict affected areas ng bansa
Kinatigan ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang ipapatupad na programa ng pamahalaang national na PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan) na naglalayong palakasin pa ang peace-building at reconstruction ng mga conflict affected areas sa bansa.
Ito ay matapos na mailahad ng pamunuan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPPAP ang mithiin ng nasabing programa.
Sa isang punong pambalitaan kahapon sa Amas Provincial Capitol, tinukoy ni OPPAP Official Development assistance Support Officer Carmel Pami-Ulanday na dapa tutukan muna ang ugat ng pinagmulan ng kaguluhan bago magbibigay ng tulong assistance.
Para dito sa North Cotabato ang Pamana ay ipapatupad sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga IDP’s Core Shelter program.
May pondong ilalaan ang gobyerno para dito at ang magiging implementing agency ay ang DSWD.
Suportado naman ni DSWD Regional Director Bai Zorahayda Taha ang programa kungsaan ang kanilang ahensiya ang magdedetermina sa mga apektadong lugar.
Ang mga IDPs na matutulungan ay mula lamang sa mga data ng taong 2008 at hindi pa dito kasali ang kasalukuyang taon, kaya naman base sa kanilang data 2 dito ang mula sa bayan ng Pigcawayan na may 551 na pamilya at 2 rin sa bayan ng Midsayap na may 363 na mga pamilya.
Lahat ng mga benefiaciaries na natukoy ay sasailalim pa rin sa masusing pagsisiyasat.
Posibleng ring mapabilang ang bayan ng aleosan sa mga lugar na mabibigyan ng financial assistance.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento